Natapos na ang klase ay napahikab ako. Gusto ko na lang agad umuwi at matulog kahit konti. Tapos magigising ako ay trabaho na ulit. Agad akong pumunta sa locker ko, nilagay ko sa mga libro ko doon. Nagulat ako dahil may dalawang papel doon na naka pink na sobre pa. Nilagay ko 'yon sa bag ko at saka sinarado 'to.
"Hoy, waitress! Bili mo nga kaming tubig," napatingin ako sa tumawag sa akin, at alam kong grupo ni Andrea 'yon pero wala si Andrea doon.
"Kayo na lang, may paa at kamay naman kayo," agad na sabi ko at saka umalis doon.
"Aba! Aba!"
Hindi ko sila pinansin. Mabilis ang lakad ko kahit alam kong nakasunod sila sa akin. "Hindi mo kami susundin?" hindi ko pa rin sila pinapansin hanggang sa makalabas na ako ng building.
Marami pa ring estudyante at wala akong pakielam sa kanila.
"Waitress!"
Nagulat ako nang hablutin nito ang braso ko kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Pag inuutusan ka namin? Sumunod ka! Cheap ka lang naman nag- iinarte ka pa!" may mga estudyante na napapahinto sa amin pero ako ay nakatingin sa lang sa kan'ya, malamig. Hindi ako inuutusan sa bahay, hindi ako ginagawang katulong at kung gagawin akong katulong? Sinisigurado ko na may sahod ako.
Agad kong binawi ang braso ko saka tinignan n'ya, "anong silbi ng paa at kamay nyo?" malamig na tanong ko sa kanila, "kung hindi n'yo kaya bumili para sa sarili n'yo? Wag na lang kayo bumili," nakangiting sabi ko sa kanila at akmang aalis ako pero hinablot nito ang buhok ko na kinagulat ko.
"Aray! Ano ba!" sigaw ko at tuluyan na dumami ang tao sa loob.
Shit! Hindi pwede mag kagulo dahil sigurado ako ipapatawag si Mama! Ayoko mag- aalala si Mama kaya dapat ayusin ko agad 'to. Pero sadyang masakit ang hila nila sa buhok ko at may humahawak pa sa braso ko.
"Ano ba?!"
"Anong karapatan mo sagutin kami---"
"Anong karapatan mong utusan ako?" putol ko agad sa kan'ya at bahala na.
Tinulak ko ang dalawa sa gilid ko kaya napabitaw 'to sa akin. Huminga ako nang malalim saka tumingin sa kanilang tatlo. Hindi ko alam ano ang gusto nila at gustong gusto nila akong ginaganito. Wala akong ginagawa sa kanila.
"Utusan ka lang naman sa Ace Club bakit hindi mo lubus lubusin ang pagiging utusan hanggang dito?" natawa ako nang mahina saka tumingin sa kanila, "ano nakakatawa?"
"Wala lang. Nakikita ko kasi mga inggit sa mga mata n'yo sa akin," kumunot ang noo nilang tatlo.
"Hoy, hindi kami naiinggit sa 'yo," naiinis na sabit ni Britany sa gilid n'ya.
Ngumisi lang ako saka huminga nang malalim, "okay? Edi hindi? So, anong kinaiinit ng ulo n'yo pag nakikita ako? Dahil ba? Mas maganda ako sa in'yo?" lalo sila nainis sa sinabi ko, "oh, dahil? Mas angat ako kahit ganito buhay ko---"
"Yuck! Never! You are just fucking cheap waitress and we wil not stoop that low---"
"Sorry, but you already did, Lorainne," malamig na sabi ko, "you just did, five minutes ago. When you pulled my hair---"
"Bitch! Walang maiinggit sa 'yo dito!" sigaw nito sa akin at kitang kita ko ang galit sa mga mata n'ya.
Nagulat ako ng sumugod sa akin 'to at pipikit na sana ako pero wala na akong maramdaman pa. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko dahil puting long sleeve polo ang bumungad sa akin. Tinaas ko ang tingin ko at doon nanlaki lalo mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved