Kabanata 18

46 4 0
                                    

Parang panaginip ang lahat. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nanginginig ang katawan ko habang nasa tapat ako ng Operating room at katabi si Lincoln, Greg and Samuel. Hindi ko na naisip ang ginawa ni Logan sa akin dahil sunod sunod ang patak ng luha ko sa pag kawala ni Mama.



Hindi ko alam ano nang yari. Hindi ko alam paano nang yari. Bakit ganito? Paano nang yari? Paano?



Nawalan ng preno? Paano! Maayos ang sasakyan ni Mommy dahil bago 'to. Kaya paanong mawawalan ng preno ang gano'n kagandang sasakyan? Si Logan? Nasaan s'ya? Bakit n'ya ako iniwan sa party dahil sa sinabi ko?



"Hey, tahan na. Magiging maayos din ang lahat..."



"H-Hindi ko na alam gagawin ko pag nawala si Mama ko. Hindi ko alam gagawin ko..." nanginginig na sabi ko at muling napahagulgol.



"Kaya ni Tita 'to. Sobrang tapang ni Tita---"



"Hindi ko naiintindihan bakit nag- drive si Mama na ganitong oras?! Bakit s'ya sa akin tawag nang tawag? Bakit? Hindi ko alam ang nang yayari---"



"Tito Leo died..." nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Greg, "natagpuan ng maid sa loob ng kwarto na hindi na humihinga 'to," napaawang ang bibig ko.



"A-Asan si Logan?" agad akong napatayo.



"Nandoon sa morgue. Gusto mo puntahan?"



Tumingin ako sa operating room. Mom still here dahil kailangan operahan. Hinayaan ko na lang sila na gawin kay Mama 'yon at wala man akong alam sa kalagayan dahil wala pang lumalabas na Doctor sa loob ng Operating room.



"P-Puntahan na 'tin," nanginginig na sabi ko.



Nanginginig ang katawan kong sumama kay Greg. Inalalayan nila ako papunta sa morgue. Alam kong nasasaktan si Logan ngayon, pareho kami nasasaktan dahil sa nang yari kay Tito Leo. Si Mama, ang mama ko na hindi ko alam ano na nang yayari.



Natatakot ako.



Nakarating kami sa Morgue at doon nakita ko si Logan nakatingin sa katawan ni Tito Leo. Pumunta ako sa kan'ya. Dahan dahan ang lakad ko papunta dito at saka 'to napatingin sa akin.



"What are you doing here?" malamig na tanong n'ya sa akin.



Hindi ko alam bakit ganito ang tingin n'ya sa akin? Bakit parang inaakusahan n'ya ako sa tingin n'ya. Huminga ako nang malalim at akmang hahawakan ang kamay n'ya pero iniwas n'ya 'to sa akin. His eyes are red, mukhang kanina pa 'to umiiyak.





Isang oras na nakalipas simula nakaalis ako sa party pero ang mama ko nasa operating room pa rin.



"L-Logan..." nanginginig na tawag ko dito.



"Your mom killed my father," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.



"N-No, Logan! Hindi totoo 'yan!" nasasaktan na sabi ko, "hindi gagawin ni Mama 'yon dahil mahal n'ya si Tito Leo---"



"Sa tingin mo ba maniniwala ako?!" galit na sigaw n'ya sa akin at napapikit ako, "sa tingin mo ba maniniwala ako?! Iniwan ng mama mo ang ama ko doon sa lugar na 'yon---"





"Logan! Alam mong mahal ni Mama si Tito Leo---"



"Kung mahal n'ya ang Daddy ko? Bakit n'ya iniwan doon ha? Ang sabi ng maid ay nag mamadaling umalis ang mama mo! Ano? Ano bang plano n'yong dalawa---"



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon