Kabanata 5

111 8 1
                                    





Dahil nga sa graduating ako ay naging busy ako. Imbis na matutulog pa ako sa umaga ay napipilitan akong gumising na mas maaga para lang magawa ang mag requirements ko. Minsan naman ay hindi pa ako matutulog pag nauwi ako.



Walking distance lang ang Ace Club at tama nga si Logan, less hassle kaya hindi ko na kailangan mag hintay pa ng taxi. Si Logan kasi susunduin na ako n'yan pag out ko na, halatang bagong gising para lang masundo ako.



"Tapos ka na ba?" tanong ng ka- group mate ko.



Pinakita ko sa kanila ang gawa ko at agad nilang nilagay sa Sliding Folder, hindi ko alam bakit hindi man nila binisita 'yon. May gawa din sila doon pero hindi ko naman nagandahan. May pangalan naman sa akin kaya ayos lang, bahala sila.



Pinag puyatan ko 'yon at kailangan ko pa gumawa ng proposal para sa interior design ko. Antok na antok na ako pero kailangan ko pa mag trabaho mamaya kaya wala akong choice kung hindi itulog ang vacant ko tapos mag- aalarm ako ng exact time.





Nalalapit na din ang midterm kaya puspusan din ang pag aaral ko at syempre, hindi ko nakakalimutan ang gawain ko sa linggo. Minsan nga si Logan na talaga ang nag luluto pag nakikita n'ya na nakakalat ang mga papel sa sala. Hindi rin kami makauwi dahil sa dami kong ginagawa kaya dumadalaw na lang sila mama dito.



Dinadalan kami pag kain, grocery o prutas na tinatanggap ko naman.



"Ang dami n'yan, anak? Kailangan mo ba ng tulong?"



"Hindi po, Ma! Madali lang naman po 'to, sadyang kulang lang po sa oras!" totoong sabi ko sa kanya at tumango s'ya sa akin.



Kailangan ko pa mag- apply ng intern para naman pag grumaduate ako ay may makuha agad akong trabaho. At pag katapos na ng midterm ko 'yon tapos? Kailangan ko na din mag resign dahil baka bumagsak ang katawan ko.



"Sinabi ko naman sa 'yo na huminto ka na sa trabaho mo!  Ayaw mo makinig sa akin! May pera ako para sa 'yo!" ngumiti ako kay Mama saka tumango.



"Balak ko na, Ma. Dahil kailangan ko pa mag intern, nag hahanap pa po ako ng magandang enviroment kung saan maganda pumasok," sagot ko dito.



"Sa amin!" agad na sabat ni Logan kaya naman tumitig ako sa kan'ya, "hindi ba, Daddy? Marami tayong tinatanggap na intern doon?"



Tumikhim si Tito Leo dahil doon, "oo, kailangan nga namin ng intern," napailing ako kay Logan dahil halata na tuwang tuwa 'to.



"Gusto ko sana sa Smith," nawala ang ngiti nito sa sinabi ko kaya naman iniwas ko ang tingin.



"Bakit, anak? Ayaw mo ba doon? Para sabay na kayo pumapasok at umuuwi ni Logan," saad ni Mama.



Tama nga naman s'ya, less hassle sa amin 'yon. Pero kasi? Ayoko ng VIP, pag doon ako pumasok? Sigurado ako na hindi pahihirapan ni Logan. Alam ko ang ugali n'yan sa ilang buwan namin pag kakaibigan na dalawa at lalo na mag kasama pa kami ngayon na halos ayaw na ako pagawain pa sa bahay.



"Oo nga naman, Ija, ayaw mo ba?" napatingin ako kay Tito Leo.



"Gusto ko po sana pero unfair po si Logan. Baka hindi ako bigyan ng trabaho," natatawang sabi ko at natawa naman sila dahil may point naman ako.



Inayos ko ang mga design ko, hiniwalay ko ang mga pambabae at pang lalaki. Kung sakaling hindi man nagustuhan ang design ko ay may pang back up ako. Ayoko na uulit na naman ako at inayos ko na 'to sa isang envelop. Inipit ko 'to at saka sinimulan ko na linisin.



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon