Chapter 14

91 5 0
                                    

Masayang masaya si Logan habang nasa bahay kami ng Lola at Lolo n'ya habang ako ay hiyang hiya. Masayang masaya n'ya 'to binati at nabatukan pa s'ya ng Lolo n'ya dahil sa tagal n'yang hindi dumalaw dito at kahit na nakauwi s'ya.



I remember my Mom told me yesterday. It was his reason why Logan left for US. Gusto n'ya na maging successful si Logan bago umuwi. Para sa akin, para man lang nasa mabuti akong kamay.



Tama si Mama, tama naman s'ya.

I am so happy with Logan.

Okay na kami kay Mama at Tito Leo, sa Lola at Lolo n'ya na ngayon ay pinag sisilbihan ako. Nahihiya ako sa kanila dahil pinapakain nila ako. Masayang masaya sila dahil may babaeng dala si Logan at pinakilala ako bilang girlfriend n'ya.



Nandito din iilang pinsan n'ya na nakilala ko na nakakabiruan ni Logan.



"Alam mo, Ija? Si Logan? Mahal na mahal 'yan ng ama n'ya. Ang tagal bago palitan ang anak ko. Kahit noon ko pa naman sinasabi na pwede s'ya mag- asawa... pero iniisip n'ya si Logan. Sinabi n'ya sa amin, na pag laki na ni Logan..."



Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Tito Leo, he had a chance before pero mas inuuna n'ya ang anak n'ya. Kaya din ba close silang dalawa? Hindi ko man nakikita closeness nila noon pero ramdam ko ang respeto ni Logan sa ama n'ya.



Hindi ko maiwasan mapangiti habang nag lalaro silang Cards. Nandito lang naman kami sa sala at nasa kabilang mesa sila ng mga pinsan n'ya. Nakaupo sila sa lapag habang patuloy na nag lalaro ng baraha. May pera sa harapan nila at napailing na lang ako.



"Ganyan ang mga bonding na 'yan. Pusoy dos, bonding nila mag pipinsan."



"They are cute..." sabay tingin ko kay Lola.



"Hidalyn is your mom, right?" I nodded, "Leo's woman?" tumango ulit ako dito bilang sagot ko, "mabuti na lang hinayaan kayong dalawa 'no? Si Leo talaga. Basta para kay Logan ibibigay lahat."



"Oo nga po 'e. Mahal na mahal ni Tito Leo si Logan. Si Mama po ngayon ang nag aalaga kay Leo..." totoong sabi ko dito, "mahina na po si Tito Leo."



"Alam namin, Ija. Sinabi sa akin ni Leo lahat kasama ang mama mo," nagulat ako dahil doon, "pero sinabi ng Tito Leo na wag ko daw muna sabihin sa anak n'ya dahil ayaw n'ya mag- aalala 'to," tumango ako dito habang inaalala ang lagay ni Tito Leo.



"Binibilin nga kayo sa amin 'e. Kahit ang mama mo, mukhang hindi handa para kay Leo. Dahil umiiyak sa amin..." napangiti ako.



Tanggap nila ang Mama ko. Tanggap nila kahit ito pumalit sa anak nila. Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin sa kanila.



"Sobrang bait ng Mama mo. Hindi ko aakalain na may anak s'yang maganda at mabait din," nakangiting sabi nito sabay haplos sa buhok ko.



"Thank you, Lola---"



"Tangina! Dinadaya n'yo ako---"



"Logan!" sabay naming sigaw ni Lola at napatingin s'ya sa amin.



Agad umayos ng upo si Logan. Walang saplot ang pangitaas nito habang kumakamot ng noo. Hawak sa isang kamay ang mga baraha.



"Sorry, La, Baby," umirap ako dito at saka narinig ko pa ang mahihinang bulong nito na hindi ko lang maintindihan.



"Ewan ko ba sa batang 'yan!"



"Ang kulit po," sagot ko pa dito at sabay kami nag tawanan.



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon