Iniwan ako ni Logan sa kama ko na umiiyak. Hindi man n'ya ako inalo o ano, basta n'ya na lang ako iniwan sa kama ko na nasasaktan. Inayos ko ang sarili ko habang tumutulo ang luha ko. Tumingin ako sa salamin, nakita ko ang dugo sa labi ko pero pinunasan ko lang 'yon. Kahit masakit ay hindi ko na lang ininda dahil mas masakit ang ginagawa n'ya sa akin.
Inayos ko ang sarili ko. Gusto ko din makalimot. Gusto ko lumangoy sa alak at baka sakaling makalimot sa lahat ng sakit na nang yayari sa akin. Nahihirapan ako, nahihirapan s'ya. Pareho lang naman kami pero bakit hindi namin gawing sandalan ang isa't isa?
Bakit galit na galit s'ya sa akin?
Nanginginig ang katawan ko at napayuko. Tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng luha ko habang nakaupo ako. Mahigpit ang kapit ko sa towel na nakabalot sa katawan ko habang patuloy na umiiyak.
Nang kumalma na ako ay inayos ko ang sarili ko. Agad akong nag bihis at nahiga sa kama. Hinayaan ko ang sarili na ko na umiyak hanggang sa tuluyan ako makatulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising, agad akong lumabas ng kwarto at sakto no'n ay ang pag labas ni Logan sa tapat ng kwarto ko.
"L-Logan..." malamig ang tingin n'ya sa akin at para bang hindi n'ya ako kilala, "we need to talk."
"Yes, we need."
Malamig na tugon n'ya at ngumiti ako nang tipid dahil ang sakit sakit sa boses pa lang n'ya. Hindi n'ya ako ginamitan ng ganyang boses noong nag sasama kami.
Pero ngayon?
Pinipigilan ko na lang tumulo ang luha ko.
Sumunod ako sa kan'ya kung saan s'ya pupunta. Pinili n'ya na sa Garden kami mag usap kaya naupo ako sa upuan na nandoon. Umupo s'ya sa harapan ko at tumitig sa akin, isang malamig na tingin na kahit kailan hindi ko hiniling.
"Si Tito Leo, ayaw n'yang pasabi sa 'yo na may taning na ang buhay n'ya---"
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga pinag sasabi mo?" nadurog ang puso ko sa narinig ko, "hindi ko alam saan mo nakukuha ang mga balitang 'yan. O baka tama si Uncle? Na kayong dalawa ng Mama mo ay pera lang ang habol sa amin ni Daddy?" agad akong umiling dito at tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"L-Logan, kung pera ang habol ko? Bakit hindi ko tinatanggap lahat ng binibigay ni Tito Leo sa akin---"
"How about your mom? S'ya kasama ni Daddy. Malamang, tumatanggap s'ya---"
"Logan!" agad putol ko dito dahil sa galit ko, "hindi magagawa ni Mama ang sinasabi mo! Hindi rin s'ya tumatanggap ng pera kay Tito Leo dahil may sariling pera si Mama---"
"Hindi ako maniniwala sa 'yo!" bumuhos ang luha ko habang nasasaktan ako.
Iniiwasan ko mapahagulgol habang nasa harapan n'ya.
"L-Logan, akala ko ba malaki tiwala mo sa amin?" nanginginig na sabi ko, "bakit?"
"Hindi gagana sa akin ang iyak mo," natawa s'ya nang mahina, "sabay? Bayad ka na din. Sa katawan mo lang..."
Nadurog ang puso ko sa narinig ko mula sa kanya. Nanginginig ang katawan ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko magawang humagulgol dahil sa sakit kaya tinakpan ko ang bibig ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya habang nasasaktan ako.
Hindi dapat ganito. Kailangan ko maging matapang. Kailangan ko para sa sarili ko. Para kay Logan. Dahil alam ko pag nalaman n'ya ang totoo ay mag babago ang tingin nya sa amin. Mag babago lahat at babalik s'ya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved