Without Logan is hell. Halos hindi ako makatulog sa gabi sa bahay. Hindi n'ya pa hinayaan na ihatid ko s'ya kaya mas naiinis ako. Inuubos ko na lang oras ko sa pag- aaral kahit magka usap kami. Hindi ako nag karoon nang maayos na tulog.
Hindi naman pumapalya si Logan sa akin. Araw araw may update, may face time sa gabi habang nakahiga kami. Minsan kahit nga nasa opisina ako pag vacant n'ya ay tatawag s'ya para lang makita ako. Tinatapos n'ya daw nang mabilis ang trabaho.
And I didn't know that Mr. Smith is with him.
Ang ang kaibigan kuno ko naman dito ay nabigyan ng warning dahil sa ginawa sa akin. Kaya naman lahat ng trabaho n'ya ay nasa kan'ya ang trabaho ko? Nasa akin. I am politely accept them, ang mga reports dahil nag mamadali sila. Ginagawa ko ang lahat para matapos 'yon para sa gabi ay wala na akong gagawin.
"Hi, pwede ba patulong ako sa design," napatingin ako sa nag salita sa gilid ko.
"Sure! Patingin ako para naman may magawa ako," nakangiti n'ya nilapag ang iPad sa harapan ko.
Isa isa kong tinignan 'yon. Lahat ng 'yon at medyo plain at para bang walang buhay. Agad ko sinabi sa kanya ang dapat n'yang gawin. Kailangan n'ya isipin ang mga taong maaring gustuhin 'yon.
Agad din s'yang umalis sa tabi ko pag katapos kong sabihin 'yon. Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong inayos 'yon. Saktong may dumating na delivery na pag kain para sa akin. Agad kong tinanggap 'ypn at pumirma saka sinagot ang cellphone.
"Hey..."
Agad kong inayos ang pag kain sa mesa ko.
"Kakain ka na rin?" tumango s'ya sa akin habang nakangiti.
"Sabay tayo. Mabuti naman dumating na pina- order ko sa 'yo," tumango ako dito habang binubuksan ang pag kain ko.
Saka ko lang napansin na pareho kami ng pag kain. Kaya napailing ako at natatawa dito.
Nag simula na kami kumain. Unti unti nawawala ang tao sa department namin dahil oras na ng lunch habang ako ay kumakain kasabay ang boyfriend ko.
"Oo nga pala. Pinadala na ni Sky ang susuotin na 'tin sa party sa bahay. Doon na ako didiretso once na umuwi ako dahil malapit naman na ang party," agad akong tumango dito.
"Malapit ka na ba umuwi? Five days ka nang wala," malungkot na sabi ko at nakita ko ang pag ngiti n'ya.
"You missed me?"
"A little bit," natawa ako dahil sa itsura nito kaya naman uminom ako ng coke, "bakit?"
"Bakit konti lang? Hindi mo ba ako miss na miss?" agad akong umiling dito pero sa totoo lang ay araw araw ko s'yang miss at hinahanap hanap ko ang init ng katawan n'ya. Hindi na talaga ako sanay na hindi s'ya katabi sa pag tulog kaya mas hinahanap hanap ko s'ya pero anong magagawa ko?
"Ikaw ba? Miss mo ko?"
"Sobra! Ikaw pa ba? Araw araw nga kita hinahanap dito at ang amoy mo tapos ako konti lang?" napahagikgik ako dahil doon.
"Logan..."
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig kong boses. Agad tumingin si Logan doon at nakita ko ang babaeng 'yon. What is she doing there? May dala s'yang paper bag at mukhang hindi pa ako napapansin sa screen.
Napairap ako dahil sa inis ko.
"I cooked lunch for us? Sabay na tayo?"
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved