Kinaumagahan ay halos hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng ulo ko. Nasa kwarto na ako ni Logan at wala akong maalala na paano ako nakapunta dito. Hindi ko maalala paano nakauwi dito at naalala ko lang ay ang huling pag uusap namin ni Greg at pag babawal sa akin ng mga dati kong kasamahan na wag ako uminom.
Pinukpok ko ang ulo ko sa sobrang sakit.
Uupo na sana ako pero may naramdaman akong pumatong sa hita ko. Tumingin ako doon at nakita ko si Logan. Agad akong lumayo dito dahil sa naalala ko kahapon na umaga. Agad akong bumaba sa kama at dumiretso sa Cr.
Tahimik akong naliligo, sobrang sakit ng ulo ko. Walang pasok, at kailangan ko pa rin umalis para makita ko si mama. Ayokong makita si Logan, ayokong makasama ko s'ya sa isang lugar. Hindi ko kaya na nakikita s'yang malapit sa akin knowing na may iba na s'yang karelasyon.
Hindi man n'ya pinutol relasyon namin bago s'ya pumatol sa iba.
I felt cheated and betrayed because of that, but I think, I don't have a right to demand an explanation.
Wala akong karapatan mag reklamo 'yon. Yon ang nakikita ko kaya wala na akong magagawa kahit ano pa 'yan.
I would let him even it hurts.
Ang isipin ko na lang sana ay ang kaso ni mama, ang kalagayan n'ya wala ng iba pa. Hindi ko na dapat pa s'ya iniisip dahil masasaktan lang ako.
Hinilot ko ang ulo ko saka tinapos ang pagligo ko. Lumabas ako saka pumasok sa loob ng closet n'ya. He's still sleeping. Hindi ko na aalamin paano pa ako nakauwi dahil hindi naman importante. Maayos naman na ang kalagayan ko at walang nangyari sa akin na masama.
Isang pantalon at isang puting tee shirt ang suot ko. Inayos ko ang sarili ko pati ang buhok ko. Pinatuyo ko 'to at saka kinuha ang bag ko. Umalis ako doon saka bumaba at dumiretso sa dining area.
"Eto gamot, ija. Uminom ka ng sabaw para mawala 'yang sakit sa ulo mo," sabi ni Manang habang umiiling iling.
Sinunod ko naman ang utos n'ya. Tahimik kong inubos 'yon saka uminom ng gamot.
"Buti na lang hinatid ka ng kaibigan mo dito. Iyak ka nang iyak habang nakayakap doon. Tinawag mo pa s'yang Logan! Mukhang nasaktan mo ang kaibigan mo!" nagulat ako sa sinabi nito.
"S-Sinong kaibigan po? Si Brix?"
"Hindi. Pero binabanggit mo din pangalan n'ya. 'Yon medyo blonde ang buhok, Ija! Gwapo!"
"S-Si Lincoln?" agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko para tawagan 'to.
Hindi ko alam na s'ya naghatid sa akin. Ano ba nangyari kagabi? Bakit nandoon s'ya? Hindi ba dapat nasa party s'ya ng Smith? Napailing na lang ako dahil doon.
"Hello?"
"Lincoln, I am sorry about last night---"
"You okay now?" natahimik ako dahil sa tanong n'ya at napatingin ako sa pagkain sa harapan ko, "tell me? Are you okay?"
"Of course," mahinang sabi ko dahil hindi naman ako naging okay simula noong nangyari kay Tito Leo. Lagi kong sinasabi na ayos lang ako pero ang totoo hindi.
Durog na ako, at hindi ko alam paanong aayusin ang sarili ko sa sakit. Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangan ko maging matapang sa lahat.
"If you can't cry in front of him? If you can't cry when he near? You can go here, you can call me anytime, Hera. Stop it keeping it from us. Dahil alam namin ang nararamdaman mo," napangiti ako sa narinig ko, "nandito kami para sa 'yo," huminga ako nang malalim.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved