Logan is more sweet to me day by day. Hindi n'ya ako hinahayaan umuwi na mag isa or umalis na mag isa. Tulad lang naman ng dati pero iba ngayon. Mas naging sweet s'ya dahil halos sabay kami kumakain ng lunch sa table ko at nag uusap kami nang kung ano anong bagay.
Sa bahay kami umuuwi dahil sinabi ko sa kanya na gusto ni Tito Leo na doon muna kami. Lalo na ngayon ay nalalapit na ang party. Hindi ako pwede mag kakain. I even file a leave for that para lang umayos ang katawan ko.
Hindi naman pwede na mag gym ako dahil sa katawan ko. Baka sumakit at hindi lang kami maka- attend. Kaya naman thread mill kaming dalawa sa bahay nila. Hawak hawak n'ya ang kamay ko habang pareho kaming tumatakbo.
Si Mama naman inaalagaan kaming dalawa. Minsan nag de- date kaming dalawa. Para bang sinusulit namin ang bawat araw. Tabi natutulog, cuddle at watching TV.
Sobrang saya dahil nakakasama ko s'ya kahit saan. Dahil nga may leave din s'ya hanggang dumating ang party.
"I hired an make up artist for you," nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Bakit naman? Kaya ko naman ayusin ang sarili ko ha?" nakangiting sabi ko dito.
"Baby, sige na. Dadating na sila kaya naman maligo ka na."
Ngumuso ako dito saka tumango. Pumasok na ako sa cr at hinubad lahat ng suot ko. Agad akong umupo sa tub, gatas ang nandoon at sobrang bango. Tahimik lang ako nakababad. Pero ang pakiramdam ko ay kakaiba. Para bang may masamang mang yayari na hindi ko maintindihan.
Pinikit ko ang mga mata ko habang tahimik na hinapalos ang katawan ko. Nililinis ko ang bawat madadaanan ng kamay ko. Ang gatas at ang bango ay nag hahalo sa katawan ko. Napangiti ako dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam.
Natapos ang pag babad ko ay saka na ako pumailalim sa shower. Inayos ko ang buhok ko at saka mabilis na natapos. Lumabas ako at halos mapatalon ako sa gulat dahil nakita ko si Jane.
"Hi! Ako mag- aayos sa 'yo!"
"G-Ganon ba? Akala ko kasi kung sino..."
Isang bathrobe ang suot ko at lumapit s'ya sa akin. Pinaupo n'ya ako sa upuan, nakakalat sa table ko ang mamahaling make up n'ya. Tahimik lang ako nakaupo at sinimulan na n'ya muna patuyuin ang buhok ko.
"Make up artist ka?"
"Oo. Kay Brix Santiago, kaibigan n'yo 'yon hindi ba?" agad akong tumango dito bilang sagot ko.
"Mabait si Brix, hindi ba?" ngumiwi sa akin 'to at hindi ko maintindihan kung bakit.
"I don't think so. He's cold and mysterious. Hindi rin naman nakakausap sa set but he's professional and very friendly sa mga ibang artist pero sa mga staff? Iba ang ugali n'ya. Pero ni Ate Lena? Gan'yan lang daw 'yon dahil may iniisip."
Inisiip? Ano naman iniisip no'n?
"Broken hearted daw," nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
Ako ba sinasabi no'n? Hindi naman siguro. Hindi naman ako hindi ba? Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng guilt dahil doon kahit hindi naman. Huminga ako nang malalim at hinayaan na lang s'ya na ayusin ako.
"Ikaw? Baka alam mo?"
"H-Hindi 'e. Hindi ko rin naman nakakausap na si Brix dahil siguro busy," sagot ko sa kanya saka napatango.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved