Kabanata 6

89 8 0
                                    

Tulala ako sa buong klase dahil sa nang yari sa kotse. Oo, hindi 'yun ang first kiss namin dahil nahalikan ko s'ya noong natutulog s'ya pero iba ang kanina. His lips are moving again my lips, I can't even move! Ang sarap sa pakiramdam ng labi n'ya.



Napahawak ako sa labi ko, hindi ko aakalain na ganito kasarap ang labi n'ya. Kagabi lang umamin s'ya tapos ngayon hinalikan n'ya na ako. Paano pag nalaman nila Mama 'to? Paano pag nalaman nila pareho ang nararamdaman namin? Magagalit kaya sila sa akin? Sana hindi... Ayoko sumugal dahil natatakot ako makasakit ng tao.



Lalo na kung si Mama at Tito Leo pa, ang nararamdaman namin ni Logan. Baka sakaling mag bago pa, baka makahanap pa. Ipapaliwanag ko sa kanya lahat mamaya para malaman n'ya. Hindi pwedeng ganito dahil nag mamahalan ang mga magulang namin.



"Hera Cline Trinidad?"



"Yes, miss?" agad akong tumayo dahil doon at napangiti s'ya.



"I was just calling your name for attendance. Are you okay?" nahihiya akong umupo dahil doon, may iilan na natawa dahil sa lutang ako.



Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Paulit ulit ang nang yari sa isipan ko, kung paano ko naramdaman ang labi n'ya at pakiramdam ko? Magka dikit pa rin ang labi namin hanggang ngayon. Natapos na ang klase ay tumayo ako. Kailangan ko pa pumunta sa Mommy ni Brix para ipasa ang requirements ko. Alam ko naman tatanggapin n'ya 'to kahit sobrang aga. Ayoko lang talaga na may iniisip pa.



"Hera! Hera!" napatingin ako sa tumawag sa akin, huminto ako sa pag lalakad saka hinintay 'to sa pag lapit sa akin, "pinapatawa ka ni Ms. Santiago sa office n'ya! Nandoon anak n'yang gwapo! Ang daya!"



Brix is here? Tumango ako. Doon din naman ang punta ko kaya naman walang problema.



"Sige, pupunta na ako. Salamat."



Nag lakad na ako papunta sa opisina ni Mrs. Santiago. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at baka sakali may text si Logan, pero wala naman. Agad kong tinago 'to. Mukhang hindi naman n'ya ako susunduin dahil wala pa s'ya reply, saka Four thirty na. Wala na siguro, baka busy pa.



Agad akong pumunta sa opisina saka kumatok.



"Come in," agad kong tinulak 'to at makita ko si Brix doon na nakaupo sa isang upuan habang may binabasa.



"Good after noon, Mrs. Santiago," nakangiting bati ko dito at agad umayos ng upo si Brix.



"Hoy! Akala ko hindi ka pupunta dito!" nakangising sabi n'ya kaya inirapan ko.



"Ang cute n'yo talagang dalawa! Walang girlfriend ang anak ko pero magulo buhay, gusto talaga kita para kay Brix, Hera," nakangiting sabi nito kaya ngumiti ako.



"Ayoko ng artista, Tita, magulo."



Pareho kaming natawa at nilagay ko sa table n'ya ang fina requirements ko.



"Finals pa 'to ha? Tapos mo na?" she asked.



Naupo ako sa isang upuan sa tapat ni Brix. Nakanguso si Brix sa akin kaya naman napangiti ako. Tumingin na ako kay Tita at binubuklat ang gawa ko.

"Natapos mo talaga? Agad agad?!"



"O-Opo? May mali po ba d'yan? Babaguhin ko na lang po---"



"Hindi! I mean? Wala ka bang partner? I assign ha? Wala bang gustong makasama ka sa group?" ngumiti lang ako dito at saka nag salita si Brix.



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon