Hindi ko alam ano gagawin ko sa mga nalaman ko. Wala akong kaalam alam sa mga nararamdaman nila and Greg, oo. Alam kong puro biro s'ya pero hindi ko naman alam na totoo ang mga sinasabi n'ya at mabuti na lang may girlfriend 'to.Hindi ko alam kung paano sila patutunguhan once na magkita kita ulit kami. Parang ang hirap na kasi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. Para bang ang buhok ko ang naging dahilan kung bakit traffic sa edsa dahil lang sa nalaman ko.
Napailing ako at saka nag hilamos.
Kauuwi lang namin ni Logan at busy s'ya ngayon sa kwarto dahil may trabaho s'ya na kailangan tapusin. Ako na din nag luto kanina at tapos na kami kumain.
Hindi naman nag tatanong si Logan tungkol sa pinag usapan namin ni Brix at mukhang wala din s'yang balak na tanungin ako.
Pumunta ako sa kama habang nagta- trabaho s'ya. Agad akong humiga na patagilid sa kan'ya saka tumingin dito. He's busy, seryosong nagbabasa ng mga report sa laptop. Halos hindi na ako pansinin nito. Kaya naman umupo ako sa tabi n'ya saka niyakap na lang s'ya at napatingin s'ya sa akin.
"What's wrong?"
Hindi ako makakatulog habang walang pinag sasabihan nang nararamdaman ko. Hindi kasi ako talaga makapaniwala sa mga nalaman ko.
ANg trato ni Samuel sa akin. He's sweet and I can't deny it. He was there for me, pinag tatanggol n'ya ako sa mga umaaway sa akin. Hindi s'ya nag dalawang isip na pumupunta sa University para lang pag sabihan ang mga umaaway sa akin.
He knows me, too.
Si Lincoln, everytime na aalis s'ya at babalik ay lagi s'yang may pasalubong sa akin. I know, it's normal to us. Pero hindi ko aakalain na ganito na? Na may nararamdaman na s'ya sa akin.
Masayang masaya pa ako lagi pag kasama sila at hindi ko alam na gusto nila ako.
Si Greg, dapat ba ako mag pasalamat kasi may girlfriend na s'ya at makakalimutan n'ya na ako? I should, right? Pero kawawa ang babae. Paano kung malaman n'ya na gusto ako ni Greg habang sila? Hindi ako makapaniwala sa nang yayari.
"Baby, what is it?"
"Noong sinabi mo sa akin na gusto ako nila Samuel, Greg, Lincoln and Brix? Paano mo nasabi 'yon?" agad n'yang sinarado ang laptop n'ya saka nilagay sa side table.
"Their stares... when you are working in that Bar? Their eyes are all on you," hindi ako makapaniwala sa narinig ko, "hindi nila hinahayaan na malasing dahil sa 'yo. Baka mabastos ka or what..."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
"Brix confessed..." hinawakan nito ang pisnge ko, "hindi ko alam paano sila patutungahan pag nag sama sama ulit tayo. Sinabi din ni Brix sa akin kahit ang nararamdaman nila."
"Just act normal, baby. Just be yourself, okay? Isipin mo lagi na wala silang nararamdaman sa 'yo para bumalik sa dati ang lahat," hindi ko alam kung kaya ko ba ang sinasabi n'ya o ano, "baby..."
"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko talaga," sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg at hinawakan nito ang baywang ko.
"Baby, ano sinabi mo kay Brix?"
"Sinabi ko na boyfriend na kita and I've hurt him..."
"It's okay, baby. Wag ka mag- aalala. Si Brix pa ba?" ngumiti ako dito , "baby, if iiwasan mo sila? Mas lalo silang masasaktan. Isipin mo ang tagal mo na silang kaibigan pero iiwas ka dahil sa nalaman mong gusto ka nila?"
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved