Kabanata 8

136 6 0
                                    

Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Kaya naman hind ako makabangon. Don ko lang napansin na isang tube ang suot ko at isang underwear. Kahit masakit ang ulo ko ay sinubukan ko maalala kung ano ang nang yari kagabi. Agad akong napabangon at napadaing sa sakit.



Wala na akong katabi.



"Oh gosh!"



Napahawak ako sa ipin ko at paniguradong 'yon na naman 'yon. Napapikit ako dahil sa hiya! Kay Logan pa? May naalala din akong babaeng lumalandi kay Logan. Hind ko maalala ang pangalan pero ang pang yayari kagabi ay tandang tanda ko pa.



Napatakip ako ng mukha at saka bumangon na lang. Nakakarinig ako ng ingay sa labas at sigurado akong nandoon pa ang mga kaibigan ko. Mabilis na ligo ang ginawa ko at saka lumabas ako ng naka- towel. Kumuha ako ng damit ko at mabilis na sinuot 'yon. Isang printed over sized tee shirt at isang cotton shorts.



Huminga ako nang malalim at bago ako lumabas. Hind ko na pinansin ang buhok ko na basang basa. Basta pinusod ko na lang 'to saka dumiretso sa kusina. Si Aileen at Andrea ay mukhang inaantok habang nakatingin sa gatas sa harapan.



Umupo na din ako doon.



Ang mga lalaki ang nag luluto. Nandito na din si Greg at mukhang tuwang tuwa sa mga pag kain na nakahain.



"Good morning, baby? How's your baby tooth?" napatalon ako sa gulat ng makita ko si Logan na nakasuot na apron at galing Cr.



Sinamaan ko 'to nang tingin pero ngumisi lang s'ya sa akin. Napahawak ako sa pisnge ko at saka binigyan ako ni Brix ng gatas at gamot. Agad kong ininom ang gatas ko at sunod ay gamot. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.



Agad ako binigyan ni Logan ng sabaw sa harapan ko at kanin. Nilapagan nila kami ng iba't ibang pag kain sa harapan. Dahil na rin sa gutom ko nag simula na ako kumain Umupo sa tabi ko si Logan at binigyan ako ng Fresh Juice na sobrang daming yelo kaya tumingin ako sa kan'ya.



"Thank you so much," nakangiting sabi ko dito.



Tahimik na kumain kumakain sa table. Nakagitna ako ako sa kanila ni Brix habang kumakain.



"You should eat more," Brix said to me.



"Thanks, Brix," nakangiting sabi ko dito at nagulat ako ng nilagyan ni Logan ng kanin ang plato ko. Ngumiti ako dito at kumain pa ng kumain.



Tumayo pa si Logan kaya napatingin ako sa kanya pero agad din ako bumalik sa pag kain. Nakarinig kami ng door bell sa Unit ni Logan kaya naman tumayo si Lincoln agad pinuntahan 'yon. Sumunod si Greg doon na para bang chismoso kaya naman napailing ako. Binato 'to ni Samuel kaya napalingon dito at nag tawanan kami.



"You okay na?" Samuel asked me.



"Yep, thanks to all of you. Wala na akong masyadong iisipin siguro naman malinaw na sa isipan nila na hind akong gano'n babae," nakangiting sabi ko kaya napatango s'ya sa akin.



"Nako, Tita! Nag abala ka pa!"



Napatingin ako doon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mama.



"Ma! Hindi ka nag sabi na pupunta ka!" lumapit ako dito saka hinalikan sa pisnge.



"Tignan mo 'yang buhok mo! Bakit basang basa?!" galit na sabi nito sa akin, "saka, mukhang kagigising mo lang? Ang mga 'to pa pinag luto mo? Nasaan si Logan!"



Lumabas si Logan sa kwarto namin na may dalang blow dry saka towel.



"Tita, nandito ka pala," humalik sa pisnge si Logan dito at naupo na ako.



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon