Kabanata 20

67 4 0
                                    

Nadalaw ko ang mama ko after ko mag jogging at umuwi ako nang six pm. Wala pa s'ya no'n, nagluto ako para sa amin at dumating s'ya. Inaya ko s'yang kumain pero tinalikuran lang ako nito. Huminga ako nang malalim at saka umupo sa upuan, tahimik lang ako kumakain.





Natapos akong kumain ay umakyat ako sa taas. Napahawak ako sa ulo ko. Bahagya akong nahihilo habang umaakyat ako paakyat. Huminto ako sandali saka hinawakan ang ulo ko.



"Ma'am, ayos ka lang po?"



"O-Oo, ayos lang ako," mahinang sabi ko pero nahihilo talaga ako.



Aakyat sana ako pero tuluyan na nag dilim ang paningin ko at nakarinig na lang ako nang sigaw.





Nagising ako na nasa hospital na ako. Dahan dahan akong umupo sa kama at hinawakan ang ulo ko. Huminga ako nang malalim at nakita ko si Manang na may hawak na prutas.



"A-Ano nangyari?"



"Kulang daw po kayo sa Potassium. Hindi ka kasi nag kakain, Ija. Buti na lang nahila ka ni Sir. Logan, kung hindi baka gumugulong ka pababa ng hagdan," nagulat ako sa sinabi n'ya.



"Niligtas ako ni Logan?" tumango 'to sa akin.



"Nand'yan s'ya sa labas kausap ang Doctor. Kailangan mo daw ng tamang pahinga. Kumain ka nang masustansya," tumango ako dito.



Ayaw pa sana nila ako pauwiin ng gabing 'yon pero nag pumilit ako. Umuwi nauna si Manang, hindi ko alam nasaan si Logan. Binayaran ko ang bill at saka naglakad palabas ng hospital na 'yon. Huminga ako nang malalim.



Kahit na nilalamig ako ay baliwala sa akin 'yon dahil gusto kong umuwi. Pumara ako ng taxi, agad akong sumakay at tahimik lang ako nakatingin sa labas.



Nakarating din naman ako sa bahay at agad bumaba. Pumasok ako sa loob, dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makapasok ako. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Logan pero wala si Logan. Kumunot ang noo ko? Bakit wala s'ya?



Tahimik akong umupo sa kama. Hinihintay ko ang pag bukas ng pinto. Pinili ko na hintayin s'yang dumating at dumating n'ya s'ya pag katapos ng isang oras. Mukha 'tong nag mamadali at suot pa rin ang suot kanina.



"Logan..."



"Matulog ka na," malamig na utos nito sa akin kaya naman nahiga ako.



Tumalikod agad ako. Naririnig ko ang hingal n'ya pero hindi ko na s'ya sinulyapan pa. Nakatulog din ako dahil sa pagod ko. Kinabukasan ay bumaba ako, hindi ko na ginising si Logan. Basta dumiretso na lang ako pababa at saka pumasok sa dining area.



"Kumain ka na..."



Pinag handa ako nito at pati ang vitamins ko. May prutas at isang basong tubig, puro gulay ang nakahain sa akin.



"Kailangan mo kumain ng masustansya na pag kain para naman mabawi mo lakas mo. Sinabi kasi ng Doctor na kailangan mo kumain ng kumain. Kaya siguro nakaramdam ko nang matinding hilo dahil sa napapabayaan mo sarili mo," mahabang sabi nito at hindi ko pinansin.



Tahimik lang ako kumakain. Pero nakaka- tatlong subo pa lang ako ay nilayo ko na 'to.



"Busog na ako---"



"Ay hindi pwede! Paano ka makakabawi kung hindi ka kakain nang marami?" napalunok akong tumingin sa pag kain pero wala akong maramdaman na gutom.



"Busog na talaga ako, Manang," sagot ko dito kaya napatitig s'ya sa akin.



"Hindi talaga pwede."



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon