Kabanata 1

140 9 0
                                    

Wala naman traffic? Pero bakit parang ang bagal n'ya mag maneho? Palihim akong tumingin sa kan'ya. Busy s'ya na nakatingin sa daan habang mabagal ang pagma-maneho. Huminga ako nang malalim.

  Ang ganda ng kotse n'ya, ang bango. Ang amoy n'ya ang umiikot sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ako makapaniwala na makakasakay ako dito. Well, nakasakay na ako sa iilang kotse pero ito kasi? Sikat sa internet. Halos lahat ng kalalakihan ay gustong sumakay dito dahil sa sobrang ganda, pero ang mahal naman.

  Tapos s'ya? Mayro'n.

  Iba talaga pag anak ng mayaman. Isang Ancheta ba naman ang ama.

  "Wala na ba ibibilis?" napatingin s'ya sa akin dahil sa tanong ko, kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin s'ya sa akin, "inaantok na kasi ako at may pasok pa ako bukas."

  Nagulat ako nang bumilis ang takbo. Mabuti na lang ay naka-seatbelt ako at kung hindi? Baka mapaano ako. Huming ako nang malalim saka hindi na lang pinansin ang ginawa n'ya sa akin. Ngayon lang naman siguro 'to, bukas hindi na.

  Humikab ako at agad kong tinakpan ang bibig ko. Naluluha na ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Mabuti na lang ay malapit na kami sa village. Kaya naman nang makarating kami doon ay agad kaming pinag buksan ng gate ng security nila. Pinasok n'ya ang sasakyan at agad akong bumaba.

  "Thank you," sabi ko bago isarado ang pinto ng kanyang sasakyan.

  Nagulat ako nang makita ko si Mama sa harapan ng pinto. Nakatingin sa akin 'to at bakas sa mga mata ang gulat dahil sa pagbaba ko ng sasakyan ni Logan. Lumapit ako dito, alam kong nakasunod na sa akin si Logan dahil iisang lugar lang naman ang papasukan namin.

  "Mama, bakit gising ka pa?" hindi ko maiwasan itanong.

  "Hinihintay kita. Kasabay mo na pala si Logan sa pag-uwi," sabay tingin n'ya sa likod ko kaya napatingin din ako roon.

  Logan is wearing a black tee-shirt na pinatungan din ng gray na coat. A black pants and white shoes. He's handsome with his outfit, hindi ko naman itatanggi 'yon dahil noong nasa University kami ay tinitilian s'ya.

  I was first year college and he was fifth college. He's Civil Engineer like his father, may sariling firm. Malaki din tulad ng Smith. Hindi naman sila mag kalaban. In fact, mag kaibigan ang dalawa.

  "Doon po kasi ginanap ang party n'ya sa Ace Club, ma. Nakita n'ya po ako sa daan kaya sinabay n'ya po ako," agad na paliwanag ko kay mama sabay iwas ng tingin kay Logan.

  "Gano'n ba?" hinawakan ni Mama ang kamay ko, "Salamat, Logan," nakangiting sabi ni Mama dito.

  "Welcome, tita," agad na sagot nito.

  Hinila na ako papasok ni Mama sa loob. Dumiretso agad kami sa kusina at agad ako nito pinaghain. Ayoko sana kumain pero alam kong alam n'ya na hindi pa ako kumakain. Kaya naman kahit antok na antok ako ay pinilit kong kumain.

  "Anak, hindi mo naman kailangan magtrabaho. Kaya ko naman tustusan ang pag-aaral mo," agad na saad nito habang kumakain ako, "hindi ko na alam gagawin ko sa 'yo. Imbis na sumama ka na lang sa mga kaibigan mo pero bakit pinipilit mo magtrabaho?"

  "Ma, kaya ko naman po. Saka nakakahiya kay Tito Leo kung wala po akong gagawin. Saka ayoko naman po kay Tito Leo umasa---"

  "Anak, hindi pera ng Tito Leo mo ang ginagamit ko para sa pag-aaral mo. Sariling pera ko, nagtatrabaho ako para sa 'yo." madiin na sabi nito kaya naman hindi na ako sumagot.

  Agad kong inubos ang pagkain ko at saka uminom ng tubig.

  She quit last year being an interior designer. Oo, maraming ipon. Pero gusto ko pa rin magtrabaho.

Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon