Prologue

729 10 0
                                    

* A Letter To My Daughter
By Kerri Brown *

I put my letter inside an envelope. I also melted a red wax, poured it on an envelope, stamped it, sealing it. Kailangan ko na lang itong ibigay sa kanya para ipadala ito sa pagbibigyan ko sa tamang panahon.

"'Ma, bakit gising ka pa po..?"

Napalingon ako sa kung saan galing ang inaantok pang boses ng bata, at nakita ko ang anak kong bumabangon mula sa pagkakahiga.

"May... Tinapos lang si Mommy, anak." Sabi ko't tinabi na ang ginagawa ko.

"Ikaw, bakit ka nagising?" Dagdag ko pa.

"Nauuhaw po ako, Mom."

"Sige. Wait mo si Mommy dito, ah! Kukuha lang kita ng tubig."

Pagkatapos niyang uminom, nahiga na siya't tumabi na rin ako sa kanya.

"Mom, kantahan mo po ulit ako."

"Anong kanta gusto mo, anak?"

"'Yong kay Elsa po!"

"'Yong kay Elsa?! Ang taas naman n'on, 'nak!"

"Please..?"

Those eyes, those are my weakness.

In the end, hi-num ko na lang ang kanta para kahit papaano, makatulog din siya. Baka mas lalo siyang hindi makatulog 'pag kinanta ko pa! Hahaha!

Inayos ko na ang kumot niya nang makatulog na siya.

"Kung magkatotoo man ang panaginip ko, sana kayanin mo, kayanin n'yo. 'Wag kang mag-alala, may hiningan na ako ng tulong. At sana nga tulungan niya kayo. Good night, anak."

Hinalikan ko na siya sa noo at natulog na rin ako...

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon