["Captain High Hopes, free ka po ba sa Saturday?"]
"Saturday? Wait, tingnan ko lang kung may schedule ako ng Saturday..."
At tiningnan ko ang calendar app ko.
"May 27? Free naman ako. Bakit mo natanong, Ces?"
["Sama ka po sa'min! Manonood po kami ng sine ni Daddy Kent!"]
"Sine? Ano papanoorin n'yo?"
["Hulaan n'yo po~!"]
"Hmmn... Kumakanta ba 'to?"
["Opo!"]
"May... Buntot?"
["Opo!"]
"Live-action?"
["Opo!"]
"Aaahh! Beauty And The Beast!"
["Hindi po! Clue: latest movie po ng Disney!] Sabi ng bata sabay tawa!
"Dyesebel?"
["Sino po 'yon?"]
At napangiti ako sa reaksyon ng bata! Napaka-inosente! Napaka-cute! Hahaha!
["Just answer if you wanna come or not."]
At nawala ang ngiti ko sa narinig kong sinabi ni Ken. Hindi ko man siya nakikita sa camera, alam kong nasa tabi lang siya ni Ces. Sigh...
"Date n'yo atang mag-ama 'yon, eh! Pwede ba akong sumabit d'yan?"
["Pwedeng-pwede po! Dali na po! Sama ka na po sa'min, please?"]
"Okay lang bang sumama ako, Ken?"
["Gusto ni Casper na manood ng sine kasama ka, ikaw na ang bahala kung sasama ka o hindi."]
["Please, Captain High Hopes? Pumayag ka na pong manood The Little Mermaid sa Saturday kasama kami?"]
"Sige, nood tayo ng sine."
["Yehey! Thank you po, Captain High Hopes! Kitakits po sa Saturday! Babye!"]
"Bye bye!"
At binaba na ni Ces ang video call!
Ang sungit talaga!
"Kasama ba ako d'yan?" Tanong ni Arjo.
"Syempre naman! Personal driver kita, 'di ba?"
He raised his middle finger at me and I just laugh at him! Hahaha!
'May kotse ako, gusto n'yo
bang sunduin na lang namin
kayo para sabay-sabay na
tayong pumunta ng mall?'Chat ko kay Ces.
'No need. Marunong kami mag-commute. Magkita-kita
na lang tayo sa mall sa Sabado
- Ken'Akala ko, makakalusot na ako, hindi pala! Sigh...
* Mad Dog - NCT 127 *
At biglang may nagdoorbell! Dumating na rin ang hinihintay ko! Kinuha ko ito at pinagbigyan rin ang request ng rider na selfie kasama ako, bago pumasok ng bahay, at dumiretso ng kitchen!
Kinuhanan ko muna ng videos ang mga pagkain bago ko sinet-up ang camera at ring light para kuhaan ako habang kumakain!
"If you guys wanna try these yummy stuffs, here's their FB page where you could order their burgers! 'Yong resto nila located lang sa tapat ng Redmart Villamor! So, kung malapit lang kayo doon, i-try n'yo na ang Mad Dog Burger! Promise, hindi kayo magsisisi!"

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
عاطفية'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...