"Pasalubong ko?" Ang bungad ko kay Arjo nang pumasok siya ng bahay.
"I miss you, too, Wing!"
Yayakap pa sana siya sa'kin, pero agad ko siyang pinigilan!
"How cruel!" Sabi niya't tinawanan ko lang siya! Hahaha!
"Hi, Arjo! How was your trip?"
"Hi, Tita Vi! Buti pa po kayo, kinumusta ako, samantalang 'yong bunso n'yo, pasalubong agad ang bungad sa'kin!" At lumapit siya kay Mom para magmano!
"It was great, Tita! There were no signs of Tito Carlos and it was just us family! Here po! Mom and Dad wants me to give these to you! Vigan longanisa, sukang Iloko, bagnet, chichacorn, and Royal bibingka! And some shirts for all of you guys!"
"Salamat, Arjo! Nag-abala pa kayo! Say my thanks to your parents, too!"
"Mom, akin na po 'yong mga pagkain! Iko-content ko po!"
"That's it for this mini vlog! Thanks to Yuson Family for the pasalubongs from their Ilocos trip! We really like it! Bye, Flight Feathers! This is your Captain High Hopes, Wing, speaking! Taking off!"
At umalis na ako sa harap ng camera!
"Ito na 'yong memory card, oh!"
Kinuha naman ito ni Arjo ang inaabot ko sa kanya.
"Can I do this tomorrow? 'Coz I still need to finish a vlog from a client later."
"Sige lang."
At tumabi ako sa kanya sa sofa.
"Kina Ces 'to?" Tanong ko habang tinuturo ang mga nakapatong sa center table.
"Yep, as Papa Ken requested!"
"Hold my phone for me. I'll just go to the bathroom. Ikaw muna kumausap sa kanya!"
Pinasa na sa'kin 'to ni Arjo at dali-daling umalis!
"Buhusan mong mabuti 'yan, ah!" Pang-aasar ko pa sa kanya!
"William... Kent..?" Ang basa ko sa tinatawagan ni Arjo.
Ito ba ang... FB ni Ken..? Buti pa sila, friends na! Sigh...
["What is it, dude?"]
Sinagot na niya ang tawag pero connecting pa lang ang video nito. At hindi agad ako nakasagot dahil naririnig ko ang malalalim niyang hininga sa kabilang linya!
["Uhh..! Unh..! Uhh..!"]
Anong ginagawa niya?!
Biglang nagconnect ang video at ang nakatopless, pawisan, at ang nagpu-push up na si Ken ang bumungad sa'kin! Side view lang naman ang kita habang nag-eexercise siya, pero nag-iwas pa rin ako ng tingin!
"Nasa banyo si Arj, pinahawak niya lang sa'kin ang phone niya." Sabi ko.
"Wait, Wing?! Shit!"
Agad siyang umalis sa harap ng camera, at pinulot na niya ang phone niya sa sahig at naka-sando na siya, pero pawisan pa rin!
["Sorry for earlier! I didn't know you're the one on the other side of the line, sorry."]
Sabi niya habang pinupunasan ang pawis niya sa mukha.
["When did he arrive from their family trip?"]
"Madaling-araw daw, pero kanilang alas-dos lang daw siya nagising kasi siya raw ang nagmaneho ng sasakyan nila buong byahe pauwi."
["Poor Arjo. Hahaha!"]
"May mga pasalubong siya sa inyo, mga request mo raw! Kailan mo kukunin?" At pinakita ko sa kanya ang mga nakapatong sa mesa.

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Romance'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...