Chapter 10

484 5 0
                                        

["Captain High Hopes, malapit na po exams namin!"]

"Exams? Kailan?"

["Next week po, June 29-30."]

"Galingan mo sa exams, ah! Para ma medal ka ulit!"

["'Pag may medal po ulit ako, pwede po ako makahingi ng gift sa inyo?"]

["Casper, stop. Kung may gusto ka, sa'kin mo na lang ipabili, 'wag na sa ibang tao. Nakakahiya."]

["Pero gusto ko po ng magkaibang gifts galing po sa inyo ni Captain High Hopes~!"]

"Okay lang sa'kin, Ken! Ano ba gusto mong gift galing sa'kin, Ces?"

["Blanket po ni Ariel, para po may ka-match 'yong hiningi kong gift kay Daddy Kent~!"]

"Ano bang hiningi mong gift kay Daddy Kent?"

["Body pillow po ni Ariel~!"]

["Ako na lang din bibili n'yan. 'Wag mo nang abalahin pa si Captain High Hopes."]

["If you're gonna buy that for me, too, I'll go ask Captain High Hopes for another gift~!"]

"Okay lang talaga sa'kin, Ken! Ako na bibili ng blanket."

["I'm really sorry, Wing. Salamat."]

At nagulat ako sa narinig ko! Dahil ito ang unang beses kong marinig na tinawag niya ako sa pangalan ko, instead of Captain High Hopes! I'm so thankful wala siya sa harap ng camera, at sana hindi niya nakikita ang mukha ko dahil siguradong namumula na ako!

"O-okay lang, Ken, walang problema. Basta para kay Ces."

Si Ces naman na nasa harap ng camera'y hindi nagsasalita, pero may mapanuksong ngiti sa mga labi!

Kaya, agad akong nagpaalam na kunwari'y tawag ako ni Mom sa baba kahit hindi naman talaga!

Nakakahiya! Nakita pa ni Ces reaksyon ko! Sana 'wag niya akong ilaglag sa Daddy Kent niya!

Pero tinawag niya ako sa pangalan ko for the first time! Aaahh!

Iba na talaga 'to! Sigh...

* Waffle House - Jonas Brothers *

"That's it for this mini vlog! Hope you enjoyed our destination today, which is here at Two Hearts Waffle House! And let's see where I'll be landing next! Bye, Flight Feathers! This is your Captain High Hopes, Wing, speaking! Taking off!"

At umalis na ako sa harap ng camera!

"Ang cute po ng idea n'yo sa waffles n'yo! Heart shapes!"

"Thank you, Sir Wing! Sana pumatok din po sa masa ang waffles namin!"

"Maganda pong dating spot itong resto n'yo! Tiwala lang po, Sir Philip!"

"Thank you again. Here's your pay. And here're some freebies from us! Strawberry waffles!"

"Ay, salamat po! Strawberry po 'yan, hindi ko po 'yan tatanggihan! Hehehe!" Sabi ko habang tinatanggap ang mga inaabot ni Sir Philip, at nagpasalamat ulit ako!

On our way home, tumunog ang phone ko. Si Ces. Pero may pasok siya ngayon, so, sa tingin ko, si Ken 'to!

["How much are these? I'll pay for it."]

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon