Chapter 23

424 4 0
                                    

Pinalapit ako ni Ken sa kanya't sinuot niya sa'kin ang helmet.

"T-tayo lang talagang dalawa?"

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?" Sabi ni Ken habang sinusuot niya ang helmet niya.

"H-hindi naman sa ganoon! Medyo nakakapanibago lang at hindi natin kasama si Ces."

"Will you feel awkward around me if it's just the two of us today?"

"H-hindi naman... Ikaw, maiilang ka bang kasama ako na tayo lang dalawa?"

"Nope."

At ginawa ko ang makakaya ko para itago ang kilig na nararamdaman ko!

"Hop in."

At sumunod naman ako sa kanya.

"Hold on to me."

"H-hindi na, dito na kang ako sa likod kakapit!"

"What if you fall? Magalit pa sa'kin parents mo! Just hold on to me, Wing. It's much more safer that way."

Sa balikat niya sana ako hahawak, pero mas pinili kong sa dulo na lang ng jacket niya ako kumapit para hindi na rin siya mailang sa'kin.

"You okay now?"

"Oo, tara na."

At pinaandar na nga niya ang motor niya.

Pagdating namin sa MOA, agad kaming pumunta sa Cyberzone para doon maghanap ng phone. Ako rin, nagtingin-tingin na rin! Hehehe!

"Are you gonna buy that?"

"Huh? Ah! Pinag-iisipan ko nga, eh!" At mahina akong tumawa!

"But your phone still looks fine, though. Or do you wanna go upgrade?"

"Upgrade. Para 'yong phone ko ngayon, maging phone no. 2 ko na. Medyo nagloloko na rin kasi 'yon, eh."

"What's the use of your phone no. 2, anyway?"

"Bukod sa 'yon ang gamit ko 'pag tinataguan ko ang family ko, 'yon di ang gamit ko sa paghandle ng page at clients ko. Kaya importante rin sa'kin 'yon!"

"Is this reasonable for its price?"

"Oo, ito rin kasi ang ni-recommend ni Arjo na bilhin nang sinabi kong gusto ko ring bumili ng bagong phone."

"Buy it, then."

"Will you buy it, Sir Wing?" Tanong ng sales lady.

"Opo, bibilhin ko na po ito! 'Yong kulay blue po, Ate!"

"Ok po, Sir! I'll just go get the unit lang po!"

"Get me the color black, too. Same unit as Wing." Sabi ni Ken na ikinagulat ko!

"Ok po, Sir Kent! Pahintay na lang po!"

"Sure ka ito na rin bibilhin mo? Magtingin-tingin ka muna, baka may magustuhan kang iba!"

"But I trust Arjo's recommendation, though "

"And I think... I like it, too." Dagdag pa niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal 'yon. Ang alam ko lang, nakatingin kami sa isa't-isa, mabilis na tumitibok ang puso ko, at ako na rin ang nag-iwas nang tingin kalaunan! Sakto namang dumating na rin ang mga units at chi-neck namin kung gumagana ba ito nang maayos!

"Excuse me, Captain High Hopes, pero... Kayo na po ba ni Papa Kent?" Tanong ng sales lady na para bang kinikilig!

"Anong klaseng tanong 'yan, Jane! Hindi sila bibili ng matchy phones kung hindi pa sila!" Sabi pa ng isang sales lady at inpit silang tumili!

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon