Epilogue

412 3 0
                                    

* A Letter For My Daughter
By Kerri Brown *


'Nanaginip ako, isang masamang panaginip. Nabaril daw ako sa gitna ng aming operasyon at ito ang ikinamatay ko. Nakakatuwang isipin na ang isang pulis na kagaya ko'y naniniwalang maaari itong magkatotoo! At oo, natatakot akong ito'y magkatotoo. Pero mas natatakot akong iwanan ang anak ko nang ganito kaaga. Kahit na ilang beses ko nang sinabing handa akong mamatay dahil sa trabahong pinasok ko, hindi pa ako handang iwan ang anak ko.

'Yong anak ko, si Prince Ces? Mahal na mahal ko 'yon! Nakakatuwa nga't sa murang edad, alam na niya kung sino siya, kung ano siya. At tanggap ko siya, tanggap namin siya.

Mahilig siya sa mga Disney Princess! Si Elsa ang paborito niya! Nagpabili pa nga siya sa'kin ng costume, eh! Hahaha! Balak ko sana siyang sorpresahin at dalhin sa Snow World sa ika-pitong kaarawan niya, pero hindi ko alam kung buhay pa ako nang mga panahong 'yon. Sana nga... Sana...

Kahapon, may nakasalubong akong bata na mukhang mas matanda lang ng ilang taon kay Prince Ces. Nagbebenta siya ng mga sari-saring abubot na ang iba'y mukhang normal na gamit lang, pero ang iba'y hindi ko alam kung para saan! Mga imbensyon niya raw ito! At natawa ako nang tanungin niya ako kung anong problema ko sa pag-ibig! May solusyon daw siya para sa'kin at handa niyang ibenta ang kanyang imbensyon sa murang halaga!

Ang sabi ko, hindi ko na kailangan 'yon! Na kontento na ako na may anak na ako. Na okay lang sa'kin na kahit ako lang, si Prince, at ang nakababatang kapatid kong si Kent ang mayroon ako ngayon! Pero nagulat ako nang sabihin niyang iiwan ko rin daw sila dahil maaaring magkatotoo ang panaginip ko!

Tinanong ko siya kung may magagawa ba siya tungkol dito! Na kung may binebenta siyang anting-anting, wala raw. Sa halip, binentahan niya ako ng mga papel, sobre, pen, sealing wax, at stamp. Sulatan ko raw ang makakatanggap ng puso ko 'pag namatay ako. Siya raw ang makakatulong sa'kin sa mga iiwanan kong mahal sa buhay.

At hindi ako makapaniwalang sinusulat ko ngayon ang liham na 'to para sa'yo. Hindi man natin kilala ang isa't-isa, pero ikaw na lang ang pag-asa ko. Wala na kasi akong ibang malalapitan at alam kong hindi nila kakayanin kung mamatay nga ako. Ikaw na rin sana gumawa ng surprise ko kay Prince Ces para sa kanyang birthday.

To you who'll get my heart,
I had a dream that I'll die, so,
Can I ask you for a favor?
Could you please help me take care
Of what I'll be leaving behind?
Especially my child?'

"You're reading it again?"

"Oo. Natupad ko na rin ang hiling ni Ate Lei na dalhin ko si Ces sa may snow. Medyo late nga lang!" At tumawa ako!

"She only asked us to bring her at the amusement park where it snows, and you brought her here in Paris."

"Bakit? Ayaw mo ba akong makasama?"

"Of course, I want to!"

Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ako sa ulo. Hinawakan ko naman ang braso niyang nakapulupot sa'kin!

"🎵 Let it go, let it go
Can't hold it back anymore
Let it go, let it go
Turn away and slam the door
I don't care what they're going to say
Let the storm rage on
The cold never bothered me anyway 🎵"

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon