"Captain High Hopes!"
Ang bungad sa'kin ni Ces nang pagbuksan ko sila ng gate.
"Hi, Prinsipe Ces! Ready ka na matutong mag-swimming?"
"Opo! Binilhan na po ako ni Daddy Kent ng mga gamit pang-swimming!"
"Pero hindi niya po ako binilhan ng buntot ni Ariel!" Dagdag pa ni Ces habang naka-nguso!
At hindi ko napigilang kurutin ang pisngi niya dahil sa ka-cute-tan niya! Hahaha!
"In-order-an na kita online, hindi pa lang dumarating." Sabi naman ni Ken.
"Gusto mong ipasok motor mo sa loob?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede ba talaga kami dito? Hindi ba magagalit parents mo?"
"Nakausap ko na sila, okay lang daw sa kanila."
At binuksan ko na ang malaking gate para maipasok niya sa loob ang motor niya.
Nagbihis na kami ng pang-swimming namin, at naglagay na rin ng sunblock sa katawan, braso, binti, mukha, leeg, at likod, bago kami magbilad sa pool.
Tuwang-tuwa naman si Ces nang nasa pool na siya! Hindi ko muna pinasuot ang mga inflatables niya at pinahawak ko muna siya sa'kin para maturuan ko siyang lumangoy. Hindi naman siya mahirap turuan! Matalino talaga ang bata't nakukuha agad niya ang mga sinasabi ko! Pursigido talaga siyang matutong lumangoy, which is a good thing for her!
Lumipas ang oras, nakakalangoy na siyang mag-isa sa five feet part ng pool, habang ginagaya si Ariel! Tinuruan ko naman siya ng basics, pero mas gusto niya raw na lumangoy na parang sirena! At kinukuhanan ko siya ng video habang lumalangoy siya palapit sa'kin mula sa kabilang gilid ng pool. Ipo-post ko 'to as a story on my socmed! Hehehe!
May tumawag sa'kin at nagulat ako sa bumungad sa'kin!
Six pack abs!
At agad akong nag-iwas ng tingin!
"Umahon ka na, Captain High Hopes, hinihingal ka na. Mamaya kung ano pang mangyari sa'yo d'yan sa pool. Ako na bahala kay Casper."
Sinunod ko naman ang sinabi ni Ken at umahon na ako. Tuwang-tuwa naman si Ces dahil ang Daddy Kent naman niya ang magtuturo sa kanya lumangoy!
Nakakatuwa silang panoorin! Para talaga silang pinagbiyak-na-bunga kahit mag-tito lang sila! Kung hindi mo sila kilala, pagkakamalan mong mag-ama talaga sila gaya ng trato nila sa isa't-isa ngayon.
* I Have Someone I Like - Zhao Lusi *
At mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang unti-unting napalitan ang imahe ni Ces ng imahe ko. Ini-imagine kong ako ang tinuturuan ni Ken lumangoy, nakahawak ako sa kanyang matitipunong balikat, dahan-dahang pinapasag ang mga paa ko, diretso kaming nakatingin sa isa't-isa, at sabay na magtatawanan...
"Hey! What are you imagining of?!"
At natauhan ako dahil sa sumigaw sa tabi ko! Si Ate Wave!
"Ano 'yon, Ate?"
"Ang sabi ko, anong ini-imagine mo..?"
Anong in-imagine ko? Ano 'yong in-imagine ko?! Shutangina, ano 'yon, Wing?!
"Oh, why are you blushing? I just asked what are you imagining of while looking at them? Or should I say, 'him'?"
"Straight siya, Ate Wave! Walang chance!"

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Romance'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...