Chapter 11

417 6 0
                                    

"Daddy Kent, paano po 'yong exams ko bukas?"

"In-excuse na kita, anak. Magte-take ka na lang ng special exams."

"Pero ok na po ako, Daddy Kent. Magaling na po ako."

"Hindi pa nawawala pamumula mo, Casper. At wala pa ring sinasabi si Doc na pwede ka nang lumabas. Wait na muna natin sasabihin ni Doc bukas ng umaga kung pwede na ka nang umuwi, ah?"

"Opo."

"Oh, last one! Para palabasin na tayo ni Doc bukas!"

Binuksan naman ni Ces ang bibig niya para makain niya ang sinusubo sa kanya ni Ken. Nang malunok na niya ito, pinainom naman siya ng tubig ng kanyang ama.

"Captain High Hopes, pwede ko na po bang kainin 'yong dala n'yo?" Ang excited na tanong ni Ces sa'kin.

"Syempre naman!"

Tumayo na ako at kinuha ang mga binili ko sa fridge.

"Baka may mani na naman 'yan, ah!" Sabi ni Ken.

"Sa Sweet Thoughts ako bumili. Hindi ako pagbibilhan ni Mommy Carla nang bawal kay Ces."

"Patingin muna para makasigurado ako."

Inabot ko sa kanya ang mga tin can cakes at binasa niya ng label ng mga ito.

"Strawberry. Dream Cake. Almond Sans Rival?! Ano 'to?! Akala ko ba walang mani?!"

"Para sa'yo 'yan."

At natigilan siya sa sinabi ko.

"Wow! 'Di ba, Daddy Kent, favorite mo 'yan?"

Tama nga ang sinabi ni Mommy Carla, ito nga ang paborito ni Ken!

"Sana dalawang Dream Cake na lang binili mo para kay Casper. You don't have to buy one for me, too."

"Ayaw mo?"

"I don't want it."

"Fine."

At kinuha ko na ang mini tin can cakes sa kanya. Binuksan ko ang Dream Cake, at binigay ito kay Ces na masaya naman niyang tinanggap! Binuksan ko na rin ang Strawberry para makain ko na ito!

Ang sarap talaga!

Nang maubos ko na ito, 'yong Almond Sans Rival naman ang kinuha ko.

"Sure kang ayaw mo nito?"

"Ayoko."

"Okay. Ako na lang kakain nito."

At binuksan ko na nga ito!

Kukuha na sana ako dito, nang biglang tumayo si Ken!

"Kakain lang ako sa cafeteria, ikaw muna bahala kay Casper."

At umalis na siya sa tabi ni Ces!

"'Wag mo siyang papakainin n'yan, ah!" Pahabol niya pa bago lumabas ng pinto.

"Oo, ako kakain nito!"

At lumabas na nga siya ng ward. Sinimulan ko na ring kainin ang cake.

"Captain High Hopes, sorry po kung nagalit sa inyo si Daddy Kent dahil sa'kin."

"Bakit mo naman kasi kinain 'yong binigay ko sa'yo, Ces? Alam mo naman palang may allergies ka sa mani, kinain mo pa rin. Tingnan mo nangyari sa'yo, naospital ka pa dahil sa'kin."

"Sorry po." Sabi niya at humaba ang nguso niya.

Cute!

"Bakit mo ba kasi kinain 'yon?"

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon