Chapter 14

416 5 0
                                    

* Good Mornin' - Meghan Trainor
Ft. Gary Trainor *

"Wake up! Wake up!"

Naalimpungatan ako sa mahina pero malalim na boses na gumigising sa'kin.

"Gising na, dali na!"

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko't ang gwapong mukha ni Ken ang bumungad sa'kin!

"Good morning..!" Ang bati ko sa kanya.

"G-good morning, too."

"Binati mo rin ako! Hahaha! Nananaginip ba ako?"

"Sorry if I entered your room without your consent, Wing. And I'm... Trying to wake up Casper, but it was you who woke up. Sorry."

A-ano raw?!

At may biglang gumalaw sa tabi ko! Si Ces! Dito nga pala siya sa kwarto ko natulog!

"Gising na, anak. Uwi na tayo."

"Mamaya na po tayo umuwi, Daddy Kent. Inaantok pa po ako..."

So...

Si Ces pala ang ginigising niya, hindi ako! At bagong gising pa ako ngayon! Wala pang toothbrush, wala pang hilamos, at magulo pa ang buhok! Nakakahiya!!!

Dahil dito, agad akong bumangon ng kama! Nakita ko pang tumingin sa'kin si Ken na para bang pinipigilan ang sarili niyang tumawa kaya't dali-dali akong tumakbo papuntang banyo!

Shutangina, Wing, nakakahiya talaga!!!

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong gawin ang morning routine ko, at sinigurado kong maayos na ang itsura ko, pero naka-pajama pa rin ako. Sigh...

"Could you help me? Ayaw pa rin gumising ni Casper, eh."

"Late na kasi kami natulog kagabi, nagmovie marathon kami. Hayaan mo muna siyang matulog, maaga pa naman."

"Ano pa bang magagawa ko! Sigh..."

"Can I ask? Anong... Napag-usapan n'yo ni Dad kagabi?"

"Many things. Why?"

"Wala lang. Gabi na kasi, hindi mo pa kinukuha si Ces, kaya dito ko na lang siya pinatulog."

"We ended our drinking around 1 AM. Your Dad really could hold his liquor well, so do I, and I missed beer, too! That's why."

"Wala kang hangover?"

"I do have, though!" At tumawa siya.

"Mamaya na kayo umuwi, mag-stay muna kayo rito kahit hanggang lunch lang. At hindi rin kayo papauwiin ni Mom knowing madaling-araw na kayo natapos ni Dad."

"Nakakahiya na..."

"Don't be. Baka mapaano pa kayo 'pag nag-drive kang may hangover. Tabihan mo muna si Ces sa kama, matulog muna kayo."

"I rather not. Casper don't like the smell of alcohol, that's why I quit it. I'll just go sleep at the guest room."

Tinanguan ko siya't lumabas na siya ng kwarto ko.

Mahal talaga niya si Ces, to the point na tinigil niya ang pag-inom niya ng alak para sa bata. Nakakatuwa.

"Good morning, Captain High Hopes! How's Prince Ces?"

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon