It's been two weeks and five days since that night, at tanging sa video call na lang kami nagkikita ni Ces.
'Pag gusto niyang makipagkita sa'kin, gumagawa na lang ako ng dahilan. Hindi dahil sa ayaw ko siyang makita, kung hindi dahil sa takot kong kunin nga ni Dad ang kotse ko na lagi kong kasama sa t'wing may lakad ako. At sa t'wing sinasabi kong hindi ako pwede, humahaba ang nguso ni Ces.
At ngayon nga ang huling injection niya...
["Captain High Hopes, nasaan ka na po..? Sabi n'yo sasamahan n'yo po ako 'pag nagpa-injection ako, 'di ba? Nag-promise po kayo sa'kin, pero bakit wala po ulit kayo ngayon dito..?"]
Umiiyak si Ces sa camera, at parang nadudurog ang puso ko.
"I'm sorry, Ces, may kailangan lang talaga akong gawin ngayon. Sorry talaga..."
At mas lalong lumakas ang iyak ng bata! Wala naman akong magawa dahil kailangan ko siyang tiisin. At pinipigilan ko na rin ang sarili kong umiyak...
"Magpa-injection ka, Ces, ah! Kahit wala ako. Para sa'yo rin naman 'yon, eh..."
["Ayaw, ayaw, ayaw!"]
Nagpapalag siya sa kandungan ni Mommy Carla na pinapakalma naman ang bata.
["Gusto ko na po umuwi..! Ayaw ko po dito..! Ayaw ko po ng injection..!"]
At wala akong magawa kung hindi ang panoorin lang siya...
Biglang may kumuha ng phone sa kamay ni Mommy Carla, at naglakad palayo sa kanila. Si Ken.
["What are you really up to? In a blink of an eye, you entered my child's life. In a second, you don't wanna show yourself anymore. Kung lalayo ka rin naman pala pagkatapos makuha ang loob ng anak ko, sana hindi ka na lang nagpakita. Sana hindi mo na lang siya hinanap pa."]
May diin sa bawat salitang binitawan ni Ken sa kabilang linya, at nagpantig naman ang tainga ko sa mga narinig ko!
"Bakit? Ito naman ang gusto mo, 'di ba?! Ang lumayo ako sa kanya?! Ngayong sinunod ko ang gusto mo, bakit parang nagagalit ka pa?!"
["Fuck you!"]
Sabi niya sabay end ng call!
"Eh, gago ka pala, eh! Bastos!" At hinagis ko ang phone ko sa back seat mula sa passenger seat!
"Uwi na tayo, Arjs. Bukas na lang tayo maghanap ng mako-content. Wala na ako sa mood."
At niliko na nga niya ang kotse pabalik sa bahay.
On our way, tumutunog ang phone ko sa back seat, hindi ko na lang pinapansin. 'Yong isang phone ko naman, nasa bulsa ko, pero ibang account ang naka-log-in doon, kaya tahimik.
At ang phone naman ni Arjo tumunog. Si Dad.
["Where are you? Nakahanap ka na ba ng iko-content mo?"]
"Wala na ako sa mood. Pauwi na kami."
["Are you crying?"]
"Wala ito, Dad." At pinunasan ko ang mga luha ko.
["Tinatawagan kita, nasaan 'yong phone mo?"]
Pinakita ko naman sa camera ang phone kong nakataob sa sa backseat.
["Sige na. Pumunta ka na sa Grace Hope, hinihintay ka na nila."]
At nagulat ako sa sinabi ni Dad!
["Alam kong hindi kita pinayagang samahan sila sa hospital, pero tumawag sa'kin si Dash. Nagwawala raw ang bata, hindi makontrol ng tatay niya, at hinahanap ka. Sige na, puntahan mo na sila."]

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Roman d'amour'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...