I'm looking at my mirror and it's reflecting myself with a long scar on my body, and I traced it down with my fingers.
It's been three months nang mangyari ang insidenteng 'yon at maoperahan ako sa puso. Ang swerte ko raw dahil mayroon akong naging ka-match na donor that time at nadugtungan pa raw ang buhay ko! Gusto kong maging masaya sa thought na 'yon, pero...
My luck is someone else's misfortune.
Someone died, and that person's heart is beating inside of me now. Nakakalungkot lang isipin na nailigtas niya nga ako, pero ang sarili niya, hindi niya nagawang iligtas.
Kung sino ka man, tatanawin kong malaking utang na loob ang buhay ko ngayon sa'yo.
"Kuya Dash, dali na! Sabihin mo na sa'kin kung sino nag-donate ng puso ko, please?"
"Sorry, Wing, pero hindi ko talaga siya kilala."
"Pero doon ka nagtatrabaho! Nurse ka sa Grace Hope! Imposibleng wala ka pong alam, Kuya..!"
"Bakit ba gusto mong malaman kung sino donor mo?"
"Gusto ko lang magpasalamat sa kanya! 'Yon lang!"
At binagsak ni Kuya Dash ang kamay niya sa balikat ko.
"Then, go pray. That's how you can talk to dead people."
"Kuya naman, eh!"
"Sige na, alis na ako! May duty pa ako sa hospital! Thanks for preparing my lunch box, by the way!"
Ginulo naman ni Kuya Dash ang buhok ko bago siya umalis na ikinainis ko!
"What is it now, Wing? 6:30 pa lang ng umaga, inaantok pa ako..!"
"Naiinis ako kay Kuya Dash, Arj!Pinaghanda ko na siya ng baon niya, ayaw niya pa ring sabihin kung sino donor ko!"
"Really? Kinuha ba ni Kuya Dash 'yong baon niya? Akin na lang!"
"Huli ka na! Kinakain ko na 'yong niluto ko para sa kanya ngayon!" Sabi ko sabay kagat sa Korean fried chicken na paborito ni Kuya Dash!
"Ilan niluto mo? Pahingi ako kahit isa lang!"
"Sige, pero sabihin mo sa'kin lahat ng nalalaman mo tungkol sa donor ko! Alam kong may alam ka kaya sabihin mo na sa'kin lahat ng nalalaman mo..!"
And he acted like he's zipping his mouth, then laughs! I raised my middle finger at him and ended the video call!
Nakakainis! Lahat sila, tikom ang bibig 'pag tinatanong ko kung kanino galing ang pusong tumitibok sa'kin ngayon!
"What's the matter, Captain High Hopes? Ang aga-aga, nakabusangot ka?"
"Nothing, Dr. Justice." Sabi ko kay Dad pero mukhang hindi siya naniwala, kaya sinabi ko na rin sa kanya ang totoo.
"Nilutuan ko po si Kuya Dash ng baon niya in exchange of giving me infos tungkol sa heart donor ko pero wala po akong napala sa kanya!"
"Still looking for that person? Why?"
"Gusto ko lang po magpasalamat sa kanya, or kahit sa mga maiwan na lang po niya, para po kahit papaano'y makabawi ako sa kanya, Dad."
"Don't bother anymore. I tried to offer them my help, but they rejected it."
At nagliwanag ang aking paningin sa narinig ko! Na parang nakakita ako ng pag-asang makilala sila sa sinabi ni Dad! Pero...
"They don't wanna be named, sorry."
"Dad naman, eh! Please?"
"Alam mo bang labag sa kalooban nilang ibigay sa'yo ang puso ng namayapa nila? Na napilitan lang sila dahil 'yon ang kagustuhan nito? Stop looking for them, son, they won't do you no good."
BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Romans'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...