Pinapanood ko ang CCTV footage na kuha sa labas ng bahay nina Arjo! Doon kasi ang direksyon kung saan tumakbo ang bata kagabi! At nagulat ako sa mapanood ko!
"Shit! Biglang naglaho na parang bula 'yong bata! Para siyang nag-invisible dahil sa kung anumang kinain niya habang tumatakbo!"
"Not to mention that that kid appeared out of nowhere in front of your house! Creepy, right!"
"Chi-neck ko rin ang CCTV namin sa bahay! Nasa labas siya sa t'wing sinusubukan ng ibong de makinang lumabas ng kwarto ko! Na para bang hinihintay niya ito!"
"Talaga?! Baka sa kanya talaga 'yon! And he needs it now 'coz he'll gonna send another letter to someone!"
"'Yan din ang iniisip ko! Pero ayoko namang iwang nakabukas ang bintana ng kwarto ko, baka ang aircon naman ang lumabas!" Biro ko pa at nagtawanan kami!
"Baka hintayin ko na lang itong lumipad ulit at ako na mismo ang magbabalik sa kanya nito!"
"That's a great idea! Hingian mo na rin ako ng invisibility pills niya!" Biro pa ni Arjo!
Agad kaming niyakap ni Ces pagbukas namin ng pinto ng ward niya!
"Captain High Hopes! Tito Arjs!" Ang bati sa'min ng bata!
"Hello, Prince Ces!"
"Hi, Ces! Ready ka nang umuwi?"
"Opo! Binihisan na po ako ni Daddy Kent para po pagdating n'yo, aalis na po tayo!"
"Speaking of Daddy Kent, where is he?"
Bumukas ang pinto, at lumabas ng banyo si Ken!
"Hey, dude!"
"Hey."
"I'll just go to the cashier to pay for our bills. Just wait for me here."
"Tapos na, binayaran ko na." Sabi ko na ikinagulat niya!
"How much is it? I'll pay for it."
"No need. Kasalanan ko naman kung bakit naospital si Ces, eh. Hayaan mo nang ako ang magbayad ng bills n'yo."
"You don't have to do this. Hindi ka naman namin kaano-ano."
At may diin sa mga salitang binitawan niya!
"Hey! Just think of it as a friend helped you on Prince Ces's hospital bills here!And can't you just say thanks?"
"Thanks, then."
At naghanda na sila para umalis...
Sa byahe, tanging sina Arjo at Ces lang ang nagsasalita, sinasabayan ang mga kanta ng Disney cartoons at live actions ng mga Disney Princesses.
* Part Of Your World
Cover By Nunew Chawarin *At biglang nag-play ang "Part Of Your World" ni Little Mermaid. At somehow, nakakarelate ako sa kanta. Sigh...
Oo, nagiging parte na ako ng buhay ni Ces ngayon! At masaya naman ako doon! Pero...
Masama bang hilinging sana maging parte rin ako ng mundo niya..?
At agad akong nag-iwas ng tingin nang biglang tumingin si Ken sa rear view mirror ng kotse!
Itigil mo na 'tong kahibangan mo, Wing! Hindi ka niya gusto! At higit sa lahat, galit siya sa'yo!

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Roman d'amour'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...