"Prince Casper Morales. Top 1."
At umakyat na sila para sabitan ng medal si Ces! Gusto ko mang lumapit sa stage para picture-ran sila, pero balaw. At tanging sigaw na lang ang ginawa namin ni Arjo sa upuan namin!
"Oriana Mae C. Quizon. Top 2."
"Prince Casper Morales. Best in Math."
"Prince Casper Morales. Best in Science."
"Oriana Mae C. Quizon. Best in English."
"Congrats, Ces! Sa'yo rin, Ori!"
"Congratulations to the both of you!" Sabi naman ni Arjo.
"Salamat po!" Sabi ng mga bata!
"Ken, Wing, Prince Ces, may handaan sa bahay, would you like to join us?"
"Hindi na po, Ate Ana, may sarili rin po kaming lakad ngayon!" Sabi naman ni Ken.
"Sayang! Sige, ingat kayo!"
At nagpaalam na nga kami!
"Wait, you're coming with them, too, Tito Arjo? I thought, you're coming with us?"
At natigilan si Arjo sa tanong ni Ori!
"Nnnnoo, Baby Girl! I'll just send them off!"
"Tito Arj, akala ko po kakain tayo sa labas?"
At nagtawanan kami, maliban kay Arjo na hindi alam kung anong gagawin! Hahaha!
"I'm so sorry, Prince Ces! I can't join you guys anymore..!"
At humaba na nga ang nguso ni Ces!
"I'm really sorry, Prince Ces! How 'bout this?"
At may binulong siya sa bata na nagbalik ng ngiti sa mukha ni Ces!
"Okay ba 'yon?"
"Opo, Tito Arj! 'Wag na po kayo sumama sa'min!"
"Ano na namang kalokohan ang sinabi mo sa bata, Arj?"
"A secret! A top secret! Right, Prince Ces?"
"Opo! Top secret!"
At napa-iling na lang ako sa kanila!
"Let's go now! I'll send you guys off!"
At nagpaalam na kami sa kanila!
"Wait, kung hindi ka sasama, sino magda-drive ng kotse ko?"
"Si Daddy Kent na lang po, Captain High Hopes!"
"I'll go drive." Sabi ni Ken.
"Ken, catch!"
At hinagis na ni Arjo ang susi ng kotse ko kay Ken, nasalo naman niya ito!
"Paano ako uuwi?"
"I'll sent you home, and we'll just commute." Sabi ni Ken.
"Paano naman 'yong mga regalo ni Ces?"
"Just drop those off first at their apartment before you guys go on to a resto to celebrate!" Sabi naman ni Arjo.
'Yon nga ang ginawa namin, at nandito na kami ngayon sa isang samgyeopsal resto para kumain. No, nakapila pa pala kami! Hahaha!
Habang naghihintay, pinagbigyan ko naman ang mga Flight Feathers ko sa kanilang requests na picture kasama ako. Sinama na rin nila si Ces, at tuwang-tuwa naman ang bata!
Hindi naman ako na-bored sa pila, kasi ine-entertain ko rin ang mga fans ko! Nakikipag-kwentuhan ako sa kanila, at kinakausap din nila si Ces!
"Nasaan si Papa Arjo, Captain High Hopes? Bakit iba ata kasama mo ngayon?"

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Romansa'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...