[Captain High Hopes, tulungan n'yo po ako! Tulungan n'yo po si Daddy Kent!"]
Sabi ng umiiyak na si Ces sa kabilang linya!
"Bakit?! Anong nangyari ka Ken?!"
["Mataas po lagnat niya, Captain High Hopes! Hindi ko po alam gagawin ko!"]
"Sige, papunta na ako d'yan! Wait mo ako, ah! 'Wag ka nang umiyak!"
Tinawagan ko si Arjo, pero wala raw siya sa bahay nila. Ngayon, sinusubukan kong magpaalam kina Mom at Dad. Pumayag naman sila, at ihahatid na lang daw ako ni Dad sa apartment nila para hindi na ako mamasahe pa!
"Dito na lang po, Dad! Patabi na lang po sa gilid!"
"Saan 'yong apartment nila dito?"
"Ito pong may brown na gate!"
"Sige na. Alagaan mo rin sarili mo habang inaalagaan mo si crush, ah!" Pang-aasar ni Dad sabay tawa!
"Dad naman, ihh! Opo! Bye, Dad! Salamat po!"
At binigyan ko siya ng kiss sa cheeks bago ako bumaba!
"Captain High Hopes! Salamat at nandito na po kayo! Tulungan n'yo po si Daddy Kent, please!"
Ang bungad ng umiiyak na si Ces nang pagbuksan niya ako ng pinto ng unit nila.
"'Wag ka nang umiyak, Ces, tahan na. Ano bang nangyari sa Daddy Kent mo? Bakit siya nilagnat?"
At mas lalo pang lumakas ang iyak ni Ces!
"Naabutan po siya ng malakas na ulan nang magpabili po ako ng kiriman sa kanya! Kaya po nagkasakit siya!"
"Tahan na, Ces, baka magising si Daddy Kent mo. Tahan na, 'wag ka nang umiyak." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ng bata.
"Wing..? Is that you..? Why are you here..?"
At nagising na nga si Ken!
"Tinawagan ako ni Ces. Nilalagnat ka raw, at hindi niya alam ang gagawin. Kumusta na pakiramdam mo?"
"Good thing you're here. Take Casper with you and leave. Baka mahawa pa kayo sa sakit ko."
"At sinong mag-aalaga sa'yo?"
"I could take care of myself. Just buy me some meds first before you leave, my stock runs out."
"Nakabili na ako. May dala na rin akong lugaw para makakain ka bago uminom ng gamot. May dala rin akong almusal para kay Ces."
"Kaya mo bang bumangon? Para makakain ka na't makainom na rin ng gamot."
At tinulungan ko naman siyang sumandal sa headboard ng kama niya. Sinalin na rin ni Ces ang binili kong lugaw sa isang mangkok para kay Ken, at ngayo'y pinapakain ko na ito sa kanya.
"Si Casper, kumakain na rin ba?"
"Opo, Daddy Kent, kumakain na po ako." Sabi ni Ces na kumakain na sa mesa.
"Ikaw, kumain na?" Tanong niya sa'kin.
"Pinakain muna ako ni Mom bago pumunta rito."
At sinubuan ko ulit siya.
"Pasensya na talaga sa abala, Wing."
Tinanguan ko lang siya't sinubuan ulit.
"Ano gusto mong tanghalian? Magluluto ako."
"Casper, what do you want for lunch?"
"Kahit ano po, Daddy Kent."
"Just fry some chicken for the both of you."
BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Romance'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...