Babangon na sana ako nang bigla na namang lumingkis ang mga kamay ni Ken sa'kin!
"Sleep more... It's still early in the morning..."
"Alas-sais na, Ken. Tutulungan ko pa si Mom sa kusina."
Inaalis ko ang braso ni Ken sa katawan pero ayaw talaga niya..!
"But I'm still sleepy... Skip it just for today... Stay with me for this time..."
At mas lalo niya pa akong hinila palapit sa kanya..!
"Ayaw ka pong pakawalan ni Daddy Kent, Captain High Hopes?"
"Oo, eh! Ganito ba talaga 'to 'pag naka-inom?"
"Opo. Kaya nga ayaw ko po siyang umiinom ng alak, eh. Bukod po sa amoy alak siya, ang clingy pa po niya 'pag lasing! Buti po kayo ang niyakap niya't hindi ako! Kayo na po ba? Pwede ko na po ba kayo tawaging Daddy Wing?"
"H-hindi pa kami, Ces! Hindi ko pa sinasagot Daddy Kent mo!"
"So, sasagutin n'yo po talaga si Daddy Kent?!"
"Of course, I'm handsome. No one can't resist my charms. Now, go out and leave us here. Inaantok pa ako, ang ingay mo."
Napailing na lang ako sa kanya.
"Sige na, Ces. Mag-brush ka na't maghilamos. Tapos pasabi kay Lola Vi, hindi ako makakababa."
At sumunod naman ang bata.
"Bakit ka bumangon, Ken? Akala ko ba inaantok ka pa?"
"Casper's gone, can I kiss you now?"
"Ayoko, amoy alak ka."
"Same response as Casper. Sigh... I really should quit drinking now."
Bumalik na siya sa pagkakahiga't lumingkis na naman sa'kin!
"Ken, hindi na ako makahinga..!"
Hinalikan niya ang balikat ko't medyo niluwagan ang pagkakayakap sa'kin.
Anong oras kaya kami babangon nito? Sigh...
Pero gusto ko ang idea na nakayakap siya sa'kin at ayaw niya akong pakawalan! So, okay lang kahit ilang oras pa kami dito! Hahaha!
Pero...
Ilang linggo na ang lumipas, pero hindi pa rin niya ako tinatanong ulit. Hindi ko talaga alam kung ano ang hinihintay niya. At naiinip na ako.
Ngayon nga ay barangay election day, at bukas na ang birthday ni Ken!
Simple lang naman ang plano ko sa birthday niya. Magbe-bake lang ako ng chocolate cake na may nakasulat na 'Yes!', at sana magustuhan niya!
Pero...
Mukhang may ibang plano ang mundo para sa'kin, sa'min...
"Ken? Ano ginagawa mo dito sa supermarket? Nasaan si Ces? At maleta ko 'yan, ah! Dala mo pa ang DSLR ko't ang tripod nito!"
"Come with me. I'm kidnapping you for this long weekend."
"Here, dude. Catch!"
At hinagis na ni Arjo ang susi ng kotse ko kay Ken!
"Teka! Magpapaalam muna ako kina Mom at Dad!"
"Saan ka nakakita ng kinikidnap na nagpapaalam bago mawala?" Sabi ni Arjo at sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Come with me."
At nilahad na ni Ken ang kamay niya sa'kin.
"Ano na namang pakulo 'to, Ken?"

BINABASA MO ANG
Letter To Stranger (BL)
Storie d'amore'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving behind? Especially my child?' This is what is written in the letter Wing received one night. And it...