Chapter 21

429 4 0
                                    

"Captain High Hopes!"

Lumapit sa'kin si Ces, niyakap ako't binigyan ng kiss sa pisngi!

"Nasaan si Daddy Kent, Ces?"

"Nagbanyo po saglit!"

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Ken doon.

Kumaway ako sa kanya gaya ng pagbati niya 'pag magkausap kami sa Messenger. Ngumiti siya't kumaway rin sa'kin pabalik.

Ang gwapo talaga nito.

"Saan ba ang lakad n'yo?"

"Just at MOA, Tito Tedd, National Bookstore. We're buying school supplies for Casper."

"National Bookstore? Akala ko Divisoria tayo?" Tanong ko.

"There are lots of people there, I'm scared Casper might get lost. The mall is the safest choice, and I could afford the things there, anyway."

"Will you guys eat dinner here?"

"No, Tita Vi. I'll treat Wing for dinner outside as my thanks for accompanying us."

Tumango naman sa kanya si Mom.

"Drive safely, okay?"

"Opo."

"Ken, send Captain High Hopes home before 9."

"Really, Dad? May curfew pa rin ako sa edad na 27?"

"Bakit? Sasamahan mo lang naman silang mamili ng gamit ni Prince Ces at kakain kayo sa labas! Do you guys still have any other plans after that?"

"No more, Tito Tedd. I'll send Wing home at 8."

At nagpaalam na nga kami sa kanila.

Hindi pa ganoon karami ang mga namimili dito sa National Bookstore dahil siguro kakasimula pa lang ng enrollment this week. May binigay na listahan ang school ni Ces ng mga kakailanganin ng bata sa kanyang pag-aaral at binili naman ito lahat ni Ken. Binilhan niya rin ng English reading books si Ces para ma-practice pa ang english speaking at reading ng bata.

"Are you a fan of his books, too?"

"Huh? Ah, oo! Bagong published na book ni IdleThor! Kahit nabasa ko na 'to online, gusto ko pa rin ng physical book copy."

"Kanino 'yong mga libro ni IdleThor sa apartment n'yo? Fan ka rin ba niya?"

"No, but Ate Lei is. And she's looking forward of having that, too. Sadly, she died before she was able to have it."

At bumuntong-hininga siya.

"Put that on the basket. I'll pay for that, too, as my thanks for all the food you delivered to us."

"Hindi! Ako na magbabayad nito!"

"I insist."

At may naramdaman akong kuryente nang mahawakan niya ang kamay ko at kunin ang libro mula sa'kin! At ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para itago ang kilig ko!

"S-salamat."

"This is nothing compared to all the food you sent us."

At tinulak na niya ang cart, sumunod naman ako sa kanya.

Pagkatapos magbayad, iniwan muna namin sa baggage counter ng supermarket ang mga pinamili namin at naghanap kami ng makakainan dahil alas-tres na't nagugutom na raw si Ces.

Pagkatapos magmerienda, naglibut-libot muna kami. May tinurong laruan si Ces at binili naman ito ni Ken. Bumili na rin sila ng bagong black shoes at rubber shoes dahil luma na raw ang mga sapatos ni Ces. May nakita ring Ariel raincoat si Ces at pinabili niya rin ito sa ama niya. Tumingin na rin si Ken ng bagong phone pero sabi niya, baka next month na raw siya bumili. Pinapahiram ko naman siya ng pera pero ayaw niya, nahihiya raw siya. 'Yong kay Ces na lang daw muna ang gagamitin niya.

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon