Chapter 5

496 7 0
                                    

"Hello, Prinsipe Ces? Nakauwi ka na ba? Free ka ba ngayon? Sama ka sa'kin, sama ka sa mini vlog ko!" Sabi ko pero walang sumasagot sa kabilang linya.

"Hello, Ces? Nand'yan ka pa ba?"

["Casper's taking a nap."]

Agad akong napatigil sa ginagawa ko at bumalik sa phone kong nakapatong sa kama! Naka-off ang cam nito at parang boses ni Ken ang sumagot!

"Sorry, akala ko gising pa siya! Aayain ko sana siyang sumama sa'kin!"

["At pwede bang magdamit ka?"]

At agad kong naihagis ang phone ko nang mapagtantong humarap pala ako sa cam nang walang pang-itaas! Nakakahiya!

Kinuha ko kaagad ang shirt na nasa tabi ko at sinuot ito, bago ko kunin ulit ang phone ko!

"Sorry."

["Pwede bang... 'Wag mo nang tawagan ang anak ko? Okay lang kung siya ang tatawag sa'yo, pero ayokong ikaw ang tatawag sa kanya."]

At natahimik ako sa sinabi niya.

["At 'wag kang feeling close sa pamilya ko. Oo, nasa'yo ang puso ng mama ni Casper, pero hindi ikaw siya. Wala kang obligasyon sa anak ko, at 'wag mo siyang kaawaan dahil kaya ko siyang palakihin nang maayos kahit ako lang mag-isa."]

"O-okay, pasensya na. Pasabi na lang-"

At binabaan na niya ako!

Bastos!

Nakakagigil talaga 'tong lalaking 'to! Bakit parang ang laki-laki ng atraso ko sa kanya?! Hindi naman ako ang pumatay kay Ate Ladilyn, ah?!

Huminga muna ako nang malalim bago tumayo para mag-ayos ng sarili ko! Mas mabuti pang maghanap na lang ako ng small food business na pwedeng i-content for this week!

* Don't Stop
By 5 Seconds Of Summer *

"That's it for this mini vlog! Hope you enjoyed our destination today, which is here at Doughnut Stops! And let's see where I'll be landing next! Bye, Flight Feathers! This is your Captain High Hopes, Wing, speaking! Taking off! Don't stop doughing what you're doughing!"

At umalis na ako sa harap ng camera!

"Thank you, Sir Wing, for featuring our store on your mini vlog! Hindi ko kayang mag-offer ng malaking halaga dahil kakasimula pa lang namin, pero sana tanggapin mo ito."

"Ay, hindi ko po matatatanggap 'yan, Miss Natty! Hindi n'yo naman po ako inimbitahan dito sa store n'yo para i-endorse ang small business n'yo! Ako po ang kusang pumunta dito kaya free po ito! Tulong ko na rin po ito sa inyo knowing na one month pa lang pong nagra-run ang physical store n'yo! Masaya na po ako't pinahintulutan n'yo po akong i-rate ang mga ino-offer n'yo dito at natikman ko pa po ang mga doughnuts n'yo nang libre! Okay na po ako doon!"

"Salamat, Sir Wing! Tatanawin ko po itong utang na loob sa inyo! Bawi na lang po ako sa inyo 'pag mag-boom na po ang business ko!"

"Masasarap po ang mga ino-offer n'yong doughnuts dito, pati na rin po ang coffee n'yo! Maganda rin po ang presentation ng mga ito, at hindi rin po nalalayo ng prices n'yo sa iba! Konting push lang po at sisikat din po ang small business n'yo! Tiwala lang po!"

"Salamat ulit, Sir Wing! Halika rito! Pili ka ng kahit anong doughnuts na gusto! I'll give you a free dozen!"

"Kahit ano po?!"

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon