Chapter 3

465 8 0
                                    

"Ito 'yong natanggap mong sulat kagabi?"

"Oo! Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay ko, basta, dumating na lang ang sulat na 'yan na dala-dala ng ibong de makinang 'to na naubusan na ng gasolina! At mukhang sinulat pa 'to ng heart donor ko bago pa siya maaksidente!"

"But... It's empty."

"Anong empty?! Ayan, oh!"

"To whom who'll get my heart,
I had a dream that I'll die, so,
Can I ask you for a favor?
Could you please help me take care
Of what I'll be leaving behind?
Especially my child?"

Ang pagbasa ko sa huling parte ng sulat habang tinuturo rin ito sa kanya!

"But I really can't see anything written on it! Blangko talaga ang papel na 'yan para sa'kin, Wing!"

"Ano gusto mong palabasin, Arj?! Na nagsisinungaling ako?! Na nag hahalucinate lang ako?! Oo, gusto kong makilala ang heart donor ko, pero hindi ako ganoon kadesperado para gumawa ng kwento't paniwalain ang sarili ko dito! Ni hindi ko nga alam kung saan gawa ang ibong 'yan at kung saan makakabili n'yan!"

"Okay. I'll believe that that letter is written with magical ink that only you could see. Ano ba nilalaman ng sulat niya para sa'yo?"

"Huling habilin. Nanaginip daw siya na mababaril siya't mamamatay sa gitna ng kanilang police operation at maiiwan niya ang mga mahal niya sa buhay. Ikinuwento niya rin sa sulat kung gaano niya kamahal ang kaisa-isang niyang anak. At nakikiusap din siyang tulungan ko ang mga naiwan niya. May pictures pa ngang kasama ang sulat, eh! Picture nilang pamilya!"

Pinakita ko sa kanya ng mga ito. Kinuha naman niya ito sa'kin at tiningnan isa-isa.

"May... Namumukhaan ka ba sa kanila..?"

"Me? Wala! Wala. Hindi ko sila namumukhaan, hindi ko rin sila kilala."

"Sure ka?"

"Yep. Why?"

At napa-iling na lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Pwede mo ba ako samahan sa apartment na 'to? Magbabaka-sakali lang ako kung dito pa rin sila nangungupahan ngayon." Sabi ko habang pinapakita ang picture ng bahay ng heart donor ko.

"Do you know where is it?"

"Oo, may address na nakasulat sa likod ng picture."

"Let's go, then."

Bago kami maka-alis ng bahay, tinanong muna kami ni Mom kung saan kami pupunta.

"Sa mall po. May bibilhin daw po si Arj, nagpapasama po siya sa'kin."

"Really?"

"Yes po, Tita. My niece, Oriana, is having her seventh birthday next week, and she's expecting a great gift from me. And I asked Wing's help choosing her present." Sabi naman ni Arjo.

Totoo naman ang sinabi niyang birthday na ni Oriana next week! Pero hindi totoong wala pa kaming nabibiling regalo para sa kanya! Hehehe!

"Sa labas na rin ba kayo magla-lunch?"

"Opo, Mom, pero uuwi po ako bago dumating si Dad galing work."

"Okay. Ingat kayo sa daan, ah! Wing, 'wag masyado magpakapagod! Arjo, sa kalsada ang tingin, hindi kung saan-saan! At 'wag n'yong papatayin ang mga phone n'yo, ah! Pati na rin ang GPS n'yo para alam namin kung nasaan kayo! Is that clear?"

"Opo, Mom!"

"Yes, Tita!"

At nagbeso muna kami kay Mom bago umalis!

Letter To Stranger (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon