Chapter 1

4 0 0
                                    

Marriage is a lifetime commitment. From the first day you asked your partner for that kind of relationship, you promised to love them, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health–until death, as said in the traditional wedding vows.

"You may now kiss your bride, Mr. Salvador." The mayor said.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid ko. I saw the glimpse of joy in my father's face, the same joy when he was happily married to my mother. I can't believe I will see that kind of happiness in his face with another woman. He kissed Tita Elizabeth, my surroundings suddenly slowed and blurred. A flashback came to my sight.

My lovely parents are in front of me, teaching me how to bake simple chocolate cookies. They are full of love and sparks in their eyes as if they had their own world and I wasn't in front of them. The young and naive of me believe that love is beautiful.

Until it wasn't.

A loud clapping from a crowd echoed in my ears. Lahat ng tao sa paligid ko masaya habang nakatingin sila sa dalawang taong nasa harap na kakatapos lang maikasal. My father kissed tita Elizabeth again and they hugged each other.

Mabigat ang kamay ko at hindi ko kayang pumalakpak katulad nila. May mainit na asido na dumaloy sa lalamunan ko at nahihirapan akong lumunok.. Muli kong naramdaman ang pamilyadong lungkot at dismiyado na akala ko matagal ng kinalimutan pero ngayon unti-unting pumapasok sa sistema ko.

Pagkatapos ng tatlong taon, muli kong naramdaman ang ayoko ng maramdaman simula ng makita ko ang Mama na kinakasal sa iba... at ngayon, sa Papa ko na ikinasal sa iba.

"Roseanne." lumingon ako sa gilid at nakita ang nag-aalala na mukha ng kaibigan kong si Sheena. Umiling ako at ngumiti.

"You okay?" maingat niyang tanong. Tumango ako at tumayo kaming dalawa habang tinitignan namin sila Papa at ang kaniyang bagong asawa.

The usual happenings after the wedding ceremony. The reception is extravagant, for the visitors and friends it's time for socializations, joyful happenings and happiness for the newlyweds–but I can't relate to them.

"Alam ko naman hindi ka umiinom pero gusto ko lang ipaalala ulit bawal uminom today. Dahil uuwi pa tayong apartment at maayos ka pa ng mga gamit mo." Ni kahit tubig dito hindi ko mailagay sa bibig ko.

"... At pwede ka naman kasi kumain." Inusog ang plato sa harap ko.

"Puwede bang ikaw na ang umubos niyan?"

"Huh? E' hindi ka pa nga kumakain kanina pa–" sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng makitang papunta sa puwesto namin ang kapatid ng Papa ko. Si tita Ashley.

She feels sorry for me, I saw it in her eyes... again.

"Hija, hinahanap ka ng Papa mo, come with me?" tumingin ako kay Sheena na uminom ng juice.

"You can come with us if you want."

"Hindi na po, hintayin ko na lang po Roseanne dito." Tumango si tita at inaya ako gamit ang kamay niya, para mahawakan ko. Inabot ko ito at tumayo.

"Babalik ako kaagad."

Naglakad kami papunta sa puwesto ni Papa at ,mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sa lahat ng kapatid ni Papa, si Tita Ashley lang ang pinaka-close ko sa kanila. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya pabalik, sinuklian niya ito ng mas mahigpit, na para bang puwede kong kapitan kung sakaling mahulog ako.

Nang matanaw ako ni Papa, ngiti ang sinalubong niya sa akin, binitawan ni tita Ashley ang kamay ko pero hindi ko kayang bitawan ang kaniya.

"Puwede niyo po ba akong samahan?"

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon