I'm not sure how many months have passed. Two or one? I'm not sure but I know the past few months have been good to me, to my family, to my work, academics, everything. For the past month, Jackson has been a very good friend, going with me everywhere, accompanying me to my classroom, and helping me with my selling, but not every day since he also has class and soccer practices.
I had no idea the day would come when I would be comfortable with him. Comfortable walking with him in the hallways, the casual talking, his silly jokes.
Hinaplos ko ang tuyong petal ng red rose na matagal ko ng iniipit sa poem book. Wala na itong amoy at halos patay na ang bulaklak pero hindi ko magawang maitapon kasi... sayang naman. Tinanaw ko si Jackson sa soccer field kung saan pilit niyang inaagaw ang bola. Hinati ang kanilang team sa dalawa at nag uunahan sila maka score.
Aalas kuwatro pa lang pero nag aagaw na ang kadiliman at kahel sa kalangitan. Kailangan ko pang kunin yung listahan para sa mga orders kung saan naka'y Jackson, hindi niya kasi binigay sa akin kanina dahil may pasok siya, kaya ako naghihintay dito sa tambayan sa puwesto kung saan malapit lang sa soccer field.
Naka'y Jackson na ang bola, tumatakbo siya papunta sa kanilang base ng mabilis na umangat ang mga mata sa akin dahilan para matapilok siya at naagaw sa kaniya ang bola kung saan naka score ang kabilang team. Narinig ko ang pagmumura ng mga kasama niya sa kaniya.
Kinagat ko ang labi at binaba ang tingin sa tuyong red rose sa libro ko. Bakit pa kasi ako tumingin?
"Ten minutes break!" sigaw ng coach nila at kilala ko 'yon, yung bagong lalaki ni Sheena.
Mabilis kung tiniklop ang libro at tinabi sa gilid ko ng matanaw si Jackson na papunta sa puwesto ko, nagpupunas ng pawis. Inayos ko rin ang pag upo ko.
"Can I sit beside you?" tinuro niya ang bakanteng tabi ko, umusog at hindi na nag abalang sumagot dahil dumaan din sa harap namin ang iilan niyang kasama habang bumubulong na tumingin sa akin 'o sa amin, umupo sila sa malayo.
And yes... he knows how to ask for consent too.
"Sila Carlo?"
"Absent." natatawang sinabi.
"Naghahabol ng grade sa isang major nila."
"Silang dalawa?" tumango habang nagpupunas. His sweat are still dripping in his forehead, face and neck. Binuksan ang kaniyang bag at may hinahanap.
Ah baka yung listahan?
"What is it?"
"Yung tumbler ko, naiwan ko pa ata sa locker." Of course, halos thirty minutes ko rin siya pinapanood na tumatakbo at babad sa araw kanina kaya uuhawin talaga siya. Without thinking, my hands seemed to have a mind of their own as they moved and took my bottled water, sabay abot sa kaniya.
He blinked twice and smiled at me.
"Thank you, Rosie—" hindi ko binitawan ang lalagyan.
"Yung listahan." He chuckled.
"Nasa akin, pero puwedeng uminom muna?" binitawan ko 'yon. His sweat are still dripping, bumaba ang tingin ko sa isang bimpong itim na hawak niya. Isa lang? at mukhang manipis pa ata.
My breath hitched in his sudden movement as he put his arms around my shoulder. I met his gaze, the color of the sunset sky can be seen in his eyes. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung ano ba talaga ang kulay ng mga mata niya.
"Sorry, inubos ko." Sabay angat ng plastic bottle na wala ng laman. Kailangan kong alisin ang braso niya pero mabigat masyado ang kamay ko para iangat ito.
"O-okay lang." sinusubukan na palamigin ang boses ko, dahil ito lang naman ang kaya kong gawin... sa ngayon. Pabiro niyang hinampas sa ulo ko ang plastic bottle at inalis ang pagkaka akbay.

BINABASA MO ANG
Thorns
RomanceThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...