Chapter 19

2 0 0
                                    

"Roseanne?" napaangat ang tingin ko kay Sherman, nagtatanong ang mata ng iginawad.

"Inaantok ka ba? Gusto mo idlip ka muna. Gisingin na lang kita kapag kailangan ko na 'yong output mo." Umiling ako at hinaplos ang noo.

Hindi ko masasabi kong naging okay ba ulit kami ni Sherman pagkatapos ng mga nakaraang linggo. He said sorry, for his interference, rudeness that happened. Nandoon pa rin ang ilangan, ang hiya na hindi ko na maalis sa sistema ko.

Kanina pa lumulutang ang isip ko.

"Thoughtful naman, okay na ba kayo?" hirit ni Nicole. Siniko lang siya ni Emily sa tagiliran pagkatapos banggitin iyon.

"Bakit? Sa sobrang dami ba namang nangyari, nakaka-excite na lalo pumasok sa school para sa bagong aabangan na balita." Nanuyo ang lalamunan ko, she's aware, all of them are aware of what's happening between me, Jackson, Elena at sa nandamay na si Sherman.

"Shut up, Nicole." Emily cut her off immediately. She continued.

"Sherman is right. Matulog ka muna. You look... pale."

"Samahan kita gusto mo?" maingat na sinabi ni Sherman, ng tignan ko siya pinakawalan niya ang isang ilang na tawa.

"Kung gusto mo lang naman, puwede ka umidlip sa library."

"Hindi mo siya puwede samahan, hello? Nandiyan naman si Jackson—speaking of the bastard handsome." Nicole flashed her sweet smile at lumingon sa gilid namin, tumingin sa hindi kalayuan kung saan nakitang naglalakad si Jackson kasama ang dalawang lalaki na hindi ko kilala.

He is laughing together with the two boys beside him. Wearing his neat complete uniform. Nicole is right, Jackson being handsome—but not the bastard one. To think that she casually called him like that offended me.

Tumikhim si Sherman sa gilid, binaba ko ang tingin sa laptop. Magsasalita na sana ako pero inunahan lang ako Emily, sa gulat napatingin ako sa kaniya.

"I don't think his a bastard...yeah, in the past year we seen him with different girls, na para bang isang panloob sa kaniya ang isang babae na puwedeng palitan araw araw...but looked at him now—he settled with, Roseanne. Content."

Dumaan ang mahinahon na hangin, sumayaw at nagsisi hulugang mga dahon sa puno sa taas ng aming bench na kinauupuan. Nakatingin pa rin sila kay Jackson.

"Settled with, Roseanne? Kayo na ba?" tumingin si Emily sa akin ng itanong iyon ni Nicole. Naramdaman ko ang pag iinit ng dalawa kong pisngi sa huling sinabi ni Emily.

"They are friends, Nicole. Bakit ba pa ulit ulit mong tinatanong 'yan?" bahid ang irita sa boses ni Sherman, siya na ang sumagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot.

Napatingin ako kay Jackson sa hindi kalayuan. Nagugulo ang buhok dahil sa hangin, nagtatawanan sila.

Jackson and me are... friends? Ganoon ba ang magkaibigan? Kung paano niya ako tignan, paano niya ako hawakan, kung paano niya nakakayang guluhin ako sa iba't ibang emosyon na bago sa akin?

"Ikaw ba tinatanong ko, Sherman?" humarap siya sa amin at binigay ang buo niyang atensyon sa akin.

"So kayo na nga, Roseanne? Huwag naman masyadong showbiz, girl. Masyado ka ng laman ng balita—"

"Jackson is not a bastard." I coldly said, maintaining my eye contact with her. The thrill in her eyes disappeared, as if she were surprised by my sudden answer but that vanished quickly, she smiled annoyingly.

"And were friends—I won't repeat myself." Napatingin ako kay Jackson, nahuli kong tinuro ako ng kasama niya, mabilis siyang tumingin sa akin at lalong ngumiti, sabay na tinaas ang isang kamay para batiin ako.

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon