Chapter 7

2 0 0
                                    

"Uy, Roseanne 'yong underwear set ko baka puwede next week? Pang regalo ko 'yon 'e."

"Oo sige sabihan ko si, Sheena."

"Yung battery ba ng phone, Roseanne maibibigay mo ba mamaya? Isang linggo na akong walang phone!"

"Oo, nasa meet up na ngayon si, Shenna. Babalik 'yon ng mga hapon. Dala na niya yung mga orders niyo."

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa noo. Malakas ang benta namin ngayon, actually last week pa. Mas dumami ang iyong mga customers namin. Puwede na akong umalis sa pag service crew sa fast food kasi malaki naman ang binibigay sa akin ni Sheena pero sayang din kasi 'yon.

"Salamat sa pag recommend niyo sa amin sa mga kaibigan niyo." Inabot ni Maria ang isang libo para sa bayad ng kaniyang in-order.

"Oo naman girl. Kayo pa."

"Basta ba next time dagdagan mo discount namin, huh?" inabot naman ni Anne sa akin ang dalawang brochure.

"Oo sige, malakas kayo sa amin 'e." nagtilian sila at kumaway sa akin para maka alis na. Niligpit at inayos ko ang mga brochure sa tote bag at tinahak ang daan papuntang school library. May isang oras akong vacant kaya gagamitin ko na lang yun para matapos ko ang tatlong assignment at isang reading assignment ko.

Natanaw ko na ang library at tinakbo na ito. Pagpasok ko sa loob agad bumungad ang napaka lamig na aircon sa loob. Naghahanap ako ng mga vacant table, meron isa sa dulo at katabi ng bintana. Pumunta agad ako roon at binaba ang mga gamit na lamesa. Dumiretso ako sa mga book shelves ng psychology books section at hinahanap ang kailangan kong libro.

I saw the book at the top, and it was beyond my height. I tried to reach it with my stretched arms, and I tiptoed. Halos dumikit na ang buong katawan ko sa mga libro pero hindi ko pa rin abot. I made an attempt again to lift my shoes even higher, one hand clinging to the book shelves for support and the other trying to reach the book up.

Without noticed, someone grabbed the book from my back. Napalingon ako at sa gulat na makita ang pamilyar na mata ni Jackson nawala ako sa balanse, natapilok ako at imbes na bumagsak sa lapag mabilis niya akong nahawakan. His holding my left arm firmly, my weight had adjusted, and my back was leaning on the bookshelves.

"Opps, careful, please." Sabay abot ng libro sa akin. Umayos ako ng tayo at kinuha ang libro pero hindi niya ito pinakawalan. Sinubukan kong agawin pero hindi pa rin binibitiwan, tumingin ako sa kaniya and I met his eyes again.

"Puwede ko ba kunin?" tinignan niya pa ako ng ilang segundo bago binitawan ang libro. Agad akong umalis sa harap niya at dumiretso sa puwesto ko.

Naramdaman kong sumusunod siya dahil sa mga titig ng mga estudyante sa amin.

"You're welcome." I ignored him at umupo na, magsisimula na sana ako sa gagawin ng makitang umupo siya sa tapat ko. Doon ko lang napansin na nakasuot siya ng school uniform.

Jackson is wearing his school uniform and this is my first time seeing him like this and he looked different.

"May iba pang bakanteng lamesa."

Nilagay niya ang black bag pack sa katabi ng bag ko.

"Gusto ko rito." He rested his elbow on the table and right palm on his right cheek.

What?

"Wala ka bang pasok?"

"Katatapos lang." mabilis niyang sinagot na sa akin pa rin nakatingin.

Binuklat ko ang libro at hinawakan na ang ballpen para magsimula na sa gagawin, hindi ko na lang siya papansin.... Yeah, I thought it was easy to do that, binaba ko ang ballpen at tumingin sa kaniya.

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon