Tinititigan ko lang ang phone screen ng ilang segundo ng makitang wala pa rin reply si Jackson sa message ko. Binaba ko yun sa gilid at kinuha ang libro para ituloy ang pag re-review pero parang wala namang pumapasok sa isipan ko.
Tatlong araw na rin ang nakalipas ng hindi ko na ulit siya nakita simula ng umalis sila para sa tournament nila. Mukhang nagtatampo pa ata sa akin dahil hindi ko pinagbigyan nung nakaraan na gustong makipagkita bago sila umalis kaso nasa group meeting ako kasama sila Emily. Ayoko naman sagarin ang kabutihan ni Emily lalo na at nahahalata na niyang may namamagitan sa amin ni Jackson.
"Namimiss mo na?" pang aasar ni Sheena. Hindi ko siya sinagot at nilipat ang kabilang pahina ng libro.
I'm not really into texting especially when it comes to him, mas gusto kong kausap siya sa personal pero dahil nasa malayo siya, kailangan ko siyang i-message para sa update. Siya pa mismo ang nagkumbinsi sa akin para kahit malayo kami nag uusap pa rin... pero siya itong hindi nagrereply sa mga messages ko.
It's getting annoying actually and I don't know who I'm getting annoyed with—him not replying or me because I'm waiting now?
"Kahinaan talaga ng matatalino ang pag-ibig, huh?"
"Shut up, Sheena." Humagikhik lang siya habang inuubos ang dala kong pasta.
It's Sunday and my Dad went with his friends, so I went with Jackson's grandma because she invited me to have a lunch date with her. I also went with her to the market and to buy flowers. Usually, Jackson is with her like that, but since he wasn't there, I was the one who came along. Aalis na kasi ito sa susunod na linggo at bago umalis, gusto muna ako makita at makasama. It feels nice to be loved by your family's boyfriend.
"Mahina kasi talaga ang signal doon kaya siguro hindi ka ma-contact. Sumama ka na lang kasi sa akin mamaya."
"Hindi nga puwede dahil may shift ako."
"E paano 'yan? Mukhang magtatagal pa sila doon dahil sa training."
Pupunta kasi siya sa sa training camp nila. Limang oras ang biyahe papunta at pabalik at baka mabitin lang ako sa oras kaya hindi na ako sumama... at mukhang nagtatampo pa rin si Jackson at baka hindi lang ako papansinin doon.
"Mga dalawa o tatlong linggo pa ata sila doon e." hindi ko alam kung nananadiya ba siya o ano kaya binaba ko ang librong hawak at hinarap siya. Nagulat ako ng naubos siya ang isang tupperware na naglalaman ng pasta na dala ko kanina. Binigay iyon ng Lola ni Jackson.
"Your appetite is back? Okay ka na?" ilang araw din masama ang pakiramdam niya at hindi makakain ng maayos.
"Yes, masama lang talaga pakiramdam ko kaya hindi ako makakain noong nakaraan. Saan kaya ito nabili?"
"Niluto 'yan ng lola ni, Jackson." tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpunas ng bibig.
"Humingi ka kaya ulit?" tumawa lang kaming dalawa at humiga ako sa sofa, diretsong nakatingin sa kisame.
I missed him.
It's only been three days but I missed him already... paano ko kakayanin ang long distance kung ganito ako?
"Namiss mo na naman?" kinuha ko ang libro at ipinatong sa mukha.
"Sumama ka na kasi sa akin mamaya, narinig ko pa naman nandoon daw si, Elena."
What?
Napabangon ako.
"I didn't know they had a female player." Sheena only chuckled at my statement.
"I think her new hook up is in the team at gustong sumama roon, don't worry it's not, Jackson because technically is he already in a lowkey relationship." I rolled my eyes and opened my book again.
BINABASA MO ANG
Thorns
RomanceThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...