Chapter 20

1 0 0
                                    

Nanatili ang mga mata ko sa iilang papel sa lamesa at tahimik na nagpatuloy sa pag aayos sa kabila ng ingay sa buong cafeteria. Halos lunch break na rin kasi kaya dagsa ang mga tao rito. Kasama ko si Emily dahil hinihintay namin sila Nicole at Sherman. Dahil punong puno ang library, dito namin naisipang mag meet up para ayusin ang ilang correction sa thesis.

It's been weeks and my schedule is very busy and hectic. Every hour is gold for me because academics demand and my work go hand in hand.

"Look who's here." Narinig ko sa kabilang table, bulungan at tawanan, pero hindi ko alam kung bulungan ba iyon o sinadiya nila para marinig ko.

"The damsel in distress." Nagtatawanan ulit. Hindi na ako nag abala na tignan sila dahil alam kong walang silbi kong papatulan ko pa.

"Bakit pa siya nagsasayang ng oras sa mga ganiyan kung secured naman na ang scholarship niya?"

"Who knows what she's doing behind the scene just to save her until graduation—"

Naputol ang tawanan nila ng sinadiyang ibagsak ni Emily ang kaniyang notebook sa lamesa, sa sobrang lakas narinig iyon sa kabilang lamesa na kanina pa nagpaparinig sa akin.

"Bitch." sabay sabi ni Emily, sa gulat napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganoon. Usually, the friendship of Nicole and Sherman, Emily is the responsible one, the quite at hindi mapagpatol sa ganitong usapan.

"It's okay." tahimik kong sinabi, pero hindi nagpatinag ang kabilang lamesa.

"I'm sorry what?"

"I said bitch. Bingi ka ba?" Emily answered suddenly.

"What the—" ako naman ngayon ang tumingin sa kanila. Apat silang babae at nung nagtamaan na ang mata namin natahimik sila. Nilipat ko ang tingin sa kamay ni Emily na mahigpit hinawakan ang ballpen.

"Huwag mo na pansinin. Sa akin lang naman 'yon, huwag muna idamay ang sarili mo."

"They insulting you, Roseanne. Kaya mabilis kumalat ang fake news dito sa school dahil sa mga taong katulad nila." Sinadiya niyang lakasan ang boses para marinig ng kabila. Mabilis kumalat ang init sa puso ko ng marinig iyon galing sa kaniya. Feeling grateful for standing up for me. May sasabihin pa sana ako ng nahagip ng mata ko ang nasa hindi kalayuan na table.

A familiar pair of hazelnut eyes fixing at me. Sila Jackson na kararating lang, kasama ang mga kaibigan.

In the past weeks, I have been very busy with school and work so avoiding him became effortless. After I asked him those stupid questions that led him to silence, only shame spread throughout my body. Almost at the same time my thesis group spent the night at Emily and Sherman's house for the upcoming final defense and shift after shift in my part-time job.

At kapag dumating sa sitwasyon na ganito, makasalubong siya sa hallway, makita siya sa iba't ibang lugar sa school, ako na ang umiiwas pero magkaiba na ngayon... hinahayaan niya na lang akong umalis, hindi hinahabol o tinatawag man lang. Hanggang tingin lang gamit ang nangungusap na mga mata.

That's a good thing right? Pinapadali siya ang pag iwas ko.

Huli ko ng napansin na sinundan ni Emily ang linya kung saan ako nakatingin.

"Gusto mo pumunta sa kaniya?" mabilis akong umiwas kay Jackson at umiling.

"No." malamig kong sinabi. Tumingin ako sa screen ng laptop para ipagpatuloy sana ang ginawa... pero ang hirap magpanggap.

"Emily, puwede ba tayo lumipat sa ibang lugar? Ang hirap mag ayos dito, maingay, masikip at medyo mainit." Nagtagal ang tingin sa akin, para bang binabasa kung anong iniisip ko. Pagkatapos ng ilang segundo tumango siya at niligpit na ang mga gamit namin.

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon