Chapter 3

1 0 0
                                    

One week after the scene between me and Jackson outside the room, the student didn't stop talking and whispering my name. They are still talking about what happened that day, at kung paano ko siya tinanggihan. Isang linggo na rin niya ako kinukulit para bumili ng power bank. At isang linggo ko na rin siyang iniiwasan, nagmumukha na siyang tanga kaka sunod sa akin.

Seriously I don't understand him? Para lang sa power bank? Nakuha niyang mag sunod sunuran sa akin?

Mahigpit kung binaon ang kuko sa daliri ko ng dumaan ang grupo ng mga babae at pinagtatawanan ako. Sinadya nilang iparinig ang usapan nila sa akin.

"Akala mo kung sinong maganda, siya na nga 'yong nilalapitan."

"Hindi kasi marunong tumingin ng grasiya." Sabay tawanan.

"Virgin pa ata." Binigay ko ang bayad para sa binili kong bottled water at mabilis naglakad papalabas ng school canteen.

This... this is the consequences of his actions.

It's been one week like that. Sabi ni Sheena siya na raw papatol sa mga babaeng nagsasalita ng masama sa akin basta isumbong ko lang sa kaniya.

Wala akong panahon sa ganito.

Dumireto ang lakad ko papunta sa picnic place, gilid lang ng soccer field. Kaunti lang ang pumupunta rito dahil halos malayo sa mga school building. Minsan tatlo o apat lang kami at madalas ang mga players ng soccer team ang umiidlip dito. Mga nagtataasang mga puno at bermuda grass, minsan malumay na hangin, minsan malakas.

Pumunta ako sa puwesto ko lagi, kinuha ang blanket sa bag at inayos para mailapag ko ang school bag at isa pang bag para sa mga gamit na ibebenta namin mamaya. Pumikit ako ng dumaan ang malamig na hangin, sinampal nito ang naka pony tail kung buhok at nagulo ang bangs sa may noo ko. Tunog ng nagsasayawan na mga dahon ang naririnig ko.

I smile.

Kinuha ko sa bag ang paper bag na may laman na sandwich na ginawa ni Sheena kaninang umaga. Hindi raw kasi siya makakasama ngayon sa lunch kaya ginawa niya na lang ako ng makakain.

I took a large mouthful, but the picture of a man's appearance in front of me stopped me before I could even begin to taste the sandwich.

Siya na naman?

Binaba ko ang sandwich at malamig siyang tinignan. Nandoon pa rin ang lalim ng kaniyang tingin. His wearing his blue jersey and blue shorts, his sports uniform na parang kakatapos lang mag practice.

"Can I join you?" inilihad niya ang paper bag at parang lunch niya 'yon.

Hindi pa man ako sumagot ay tumabi na agad siya sa akin. Sumandal siya sa kabilang puno na pinagsasandalan ko. At mabilis ko ulit naramdaman 'yong pakiramdam na parang mauubusan ako ng hininga sa baga.

Bakit kapag lumalapit siya sa akin nakakalimutan kong huminga?

Nakita kong nakapikit siya at parang matutulog pa ata. Mukha naman siyang hindi galing sa practice dahil sa amoy niya at... itsura niya. His looked like a statue, na parang pinagbutihan at inayos ang pagkakahulma ng mukha niya. Maybe his parents are good looking?

"Baka matunaw ako niyan?" napaiwas ako ng tingin.

"Let me take a nap for thirty minutes. Napagod ako kakasunod at sa'yo." Mapang asar niyang sinabi. Dumaan uli ang malakas na hangin. I glanced at him and his undercut hair was a little disheveled because of the sudden wind.

"Sino bang may sabi na sumunod ka sa akin?." Tumawa siya at tumingin sa akin. His hazelnut colored eyes caught mine again.

"Gusto ko lang naman bumili nang power bank?"

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon