Chapter 11

1 0 0
                                    

Today is Friday and the last day of regular class dahil next week gaganapin ang intramurals sa school.

"Let's make a loud of applause to Mister Garcia and Miss Salvador who got a perfect score on our special quiz." Nagpalakpakan at naghihiyawan ang buong klase, tinutulak nila si Sherman sa likod at tumawa lang ito.

Halos si Sherman lang ang sinasabihan nila ng congratulations dahil... hindi naman nila magawa sa akin iyon. Ang ibang mga kaklase ko nakatingin lang sa akin at parang nahihiyang kausapin ako, ang iba namang mga babae iritang nakatingin. Tinikom ko lalo ang bibig at tumingin na lang sa professor na nasa harap.

Sanay na ako sa ganitong trato ng mga kaklase ko.

"Class, please congratulate Miss Salvador too, she got a perfect score." Tumahimik ang buong kaklase, napahigpit ang kapit ko sa lapis na hawak.

"'Di ba, Ma'am absent siya ng araw na 'yon?"

"Oo nga, Ma'am how come na nakapag quiz po siya?" sunod sunod na tanong ng dalawang babae. Tumingin sa akin ang professor.

"Nagkaroon ng emergency sa kanila kaya hindi siya naka pag take ng exam, Miss Salvador is one of the achiever in this section, she deserve a second chance right?" tumatango sila at halos mga lalakeng mga kaklase ang bumabati sa akin, kasama na roon si Sherman. Tipid na ngiti ang iginawad ko.

"Still, congratulations sa mga score ninyo and enjoy the three days of intramurals in our school, class dismiss."

"Thank you, Ma'am!" tumingin ako sa bintana at nakita sa baba ang iilang players na naglalaro sa soccer field.

"Hindi nga, Roseanne? Humingi ka naman talaga ng tulong kay, Jackson ano?"

"Close na ba kayo ni, Jackson?" napatingin sa tatlong babaeng nasa harap ko, pinalilibutan nila ako.

"Hindi." Malamig kong sinabi at niligpit na ang mga notebook.

"Talaga? Balita nga kayo na? Kaya madali na lang sa'yo humingi ng pabor sa kaniya?"

"Pakilala mo naman kami sa kaniya, Roseanne."

"Makikipag friends lang din kagaya mo, wait friends nga ba kayo?" at nagtatawanan sila.

"Kung gusto niyong makipagkaibigan sa kaniya, kayo ang lumapit." Nilagay ko na ang lahat ng notebook sa bag pero tinulak lang iyon ng isa sa kanila kaya nagsihulog lahat, hindi na napansin ng mga kaklase ko dahil halos lahat sa kanila nasa labas na.

"Yabang mo ah?"

"Parang ipapakilala mo lang kami—" tumayo ako at tinignan silang tatlo, nagulat sila sa biglaang pagtayo ko.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" humakbang ako at umatras sila.

"Kung gusto niyong makipagkaibigan sa kaniya, kayo na mismo ang lumapit, huwag niyo na ako gamitin sa sarili niyong interest." May sasabihan pa ang isa kanila pero naputol lang iyon sa pagtawag ni Emily sa pangalan ko.

"Roseanne!" tumawa lang si Nicole sa gilid habang naka akbay sa balikat ko.

"May sasabihin lang kami kay, Roseanne. Puwede bang mauna na kayo?" irita nila akong tinignan at lumabas na sila ng room. Tumalikod ako at nakitang si Sherman na mismo ang pumulot at umayos ng bag ko. Mabilis kong inagaw sa kaniya iyon.

Nakakainis. Ano ba ang ginawa ko sa mga babaeng iyon at ganoon nila ako tignan?

"Hayaan muna 'yong sila Ashley, naiinggit lang sila."

Tumawa si Nicole at inakbayan ulit ako.

"Inggit lang sila kasi bukod sa matalino ka na, may, Jackson ka pa—"

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon