Inayos at pinagpag ko ang uniform bago pumasok sa gate. I slide my ID in the scanner and the barricade opens. As soon as I stepped into the university, someone bumped me from my left side. inagaw ang bag na naglalaman ng mga products at inakbayan ako.
Once again, a familiar scent entered my system.
Agad kong tinabig ang braso niya at nakawala sa pagkakaakbay. The man in front of me was fixing my bag and intently looking at me.
"Good morning." He smiled.
Inagaw ko sa kaniya ang bag pero iniwas niya ito sa akin. Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa kaniya kahapon?
"Give me back my bag." Kalmado kong sinabi. Umiling lang siya at nagsimula ng maglakad.
"Jackson!" I yelled. The students were eyeing us like we were in the middle of a drama. Lumingon siya at mapungay niya akong tinignan, na para bang may magandang narinig sa akin. Mabiis siyang naglakad papunta sa akin. Sa kaba ko ay napaatras ako.
"Can you say that again?"
"What?"
"My name."
Kahit umaga pa, ang kulay ng mga mata niya ganoon pa rin, parang papalubog na araw and I failed to read his emotions through his eyes, sa sobrang dami hindi ko alam kung alin doon ang totoo. Inagaw ko sa kaniya ang bag pero iniwas niya lang ulit ito.
"No," hinamon ko ang tingin niya.
"... and I will never speak your name again---" tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ignoring what I said.
"Ihahatid kita sa room mo."
"Sinabi ko na sa'yo kahapon di'ba? Na tigilan mo na ako?" Sinundan ko siya paglalakad, binabalewala ang mga tingin ng mga estudyante.
"Nasabi mo lang 'yon dahil hindi mo pa ako gaano kakilala." Inagaw ko ulit ang bag pero iniwas niya ang kamay sa akin. Umiling siya at natatawang tumingin sa akin.
"Binibigyan kita ng pagkakataong mas makilala pa ako. Para tanggapin mo ang offer ko."
What?
"Hindi mangyayari 'yon." Naglakad siya paharap sa akin. Pag siya nadapa sa ginagawa niya agad kong aagawin ang bag at tatakbo papalayo sa kaniya.
"Why not?"
"Dahil hindi kita gusto."
"Masyado pang maaga para sabihin mo 'yan."
Maaga man 'o hindi, hindi ko hahayaan ang sarili ko na isama sa listahan ng mga babae niya. I fixed my pony tail hair at umayos sa paglalakad. Hindi niya rin naman ibibigay sa akin ang bag tulad ng gusto niya kaya hahayaan ko na lang, kaysa sa gumawa pa ako ng eksena lalo na at nasa hallway kami.
Naka plaster sa mukha niya ang ngisi at sinabayan ako sa lakad.
"Ang bigat ng bag mo, anong mga gamit ang binebenta mo ngayon?" umakyat kami sa pangalawang palapag. Bakit ang layo ata ng room namin ngayong umaga?
"Mga cellphone."
"Anong unit?"
"Bakit? Bibilhin mo?" tumingin ako sa kaniya, nagliwanag na parang bumbilya ang mukha niya. Muntik na akong matawa pero mabuti na lang at napigilan ko.
"Oo, basta sasama ka sa akin?"
Nasa second floor na kami ng makita ang nag aabang na dalawa niyang kaibigan. Parehong naka plaster sa mukha nila ang ngisi bago lumapit sa kaibigan.
"Wow, looking good, huh, Jackson?"
"Care to update us?"
"I got rejected." Malakas na tumawa ang dalawa at nangiti lang si Jackson, na para bang magandang ang nangyari kahapon.
BINABASA MO ANG
Thorns
RomantizmThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...