Jackson and I are in his room. He was looking for clothes in his closet after I told him to freshen up due to his sweat. I'm in his bathroom right now. I glanced at the white bathtub while squeezing a towel. The bathtub is big; two or three people could possibly fit inside. You can see the lights below and outdoors through a glass window on the side of his bathtub and there is a gray curtain at the end of the window.
I like his bathroom, it's one of my dream bathroom actually. Malawak, may glass window kung saan makikita ang labas at syempre ang pinaka importante sa lahat ang bathtub.
"You like my bathtub?" napatalon ako sa gulat at napatingin sa pintuan kung saan siya nakasandal, bumaba ang tingin ko sa upper body niya dahil wala siyang suot na pang itaas. Umiwas ako ng tingin at muling tumingin sa glass window. Because he is an athlete, I am aware of how mature and well-shaped his body is.
"Yes."
"Puwede mo gamitin, gusto mo ba?" muli akong napatingin sa bathtub, it's sound tempting pero... It's inappropriate to use it now because of the timing at kay Jackson iyon... hindi kami ganoon ka-close para maligo rito at gamitin ang bathtub niya.
"Please put on a shirt."
"Sabi mo magpunas muna ako bago magsuot ng bagong T-shirt?" I rolled my eyes at padarag na binigay sa kaniya ang bimpo na binanlawan ko.
"Magpunas lang, hindi ko sinabing maligo." Nilagpasan ko siya.
"Yes Ma'am, Rosie." Bago isinarado ang pinto.
Bumaba ako at dumiresto sa kaniyang kusina, bago ko binuksan ang refrigerator nagtagal ang tingin sa isang picture na nakadikit sa harap. Lumang litrato na kung saan naka kandong ang batang lalaki sa isang babae, nakaupo sila pareho sa isang duyan. Mag-ina dahil magkamukha naman sila.
Is this Jackson and his mother? Because their eyes and smile look the same.
Binuksan ko na lang ang refrigerator at nagulat dahil puno ang laman nito.
"So he regularly go to supermarket." I quietly said. Binuksan ko ang mga cabinet sa taas at ganoon din, kompleto lahat ng pagkain at maayos ang pagkakalagay. Kinagat ko ang labi at tumingin sa kuwarto niya.
I can't cook. I don't know how to cook. Pero kailangan na niyang kumain at uminon ng gamot. Mag order na lang kaya ako sa grab? Kaya lang minsan inaabot pa ng isang oras, tawagan ko na lang kaya si Sheena 'o si Mama?
"Tsk." Binuksan ko ang isang cabinet kung saan naglalaman ng mga iba't ibang variety ng noodles. Ito lang ang kaya kong lutuin. Nag init ako ng tubig at kinuha ang menu na nakadikit sa kaniyang refrigerator. Puwedeng noodles muna ang kainin niya para maka inom ng gamot at mag oorder na lang ulit sa grab. Kumulo na ang tubig at mabilis kong niluto ang noodles, ng maayos ko na lahat nilagay at inayos ko na sa lamesa, kumuha ng fresh milk at tinabi sa bowl. Umupo ako sa kabilang upuan habang nag titingin pa rin sa menu.
Well, Jackson can pay for this.
Mayamaya bumaba na si Jackson at umupo na sa kabilang upuan, magka harapan kami. Suot ang bagong puting shirt at itim na jogging pants. Nagtatakang tinuro ang noodles.
"Pagkain." Malamig kong sinabi.
"Alam kong pagkain ito pero noodles? 'di ba unhealthy 'yon para sa may mga sakit?" I rolled my eyes.
"Ako na ang kakain—" inagaw ko ang bowl pero pinigilan niya ako.
"Sinabi ko bang hindi ko kakainin? This is mine, Rosie." Mahina niyang tinulak ang kamay ko, umayos ako ng upo at sumandal. Tinitignan siyang hinipan ang sabaw bago higupin, he paused a little bit and I saw how his gaze softened.
BINABASA MO ANG
Thorns
RomanceThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...