Chapter 10

1 0 0
                                    

Binuksan ko ang pintuan ng aming apartment at agad bumungad gulat na mukha ni Sheena.

"See? She's alright." Pero mas nagulat ako ng makita ang boyfriend niya na komportableng nakaupo sa aming sala.

"Saan ka galing? Okay ka lang ba? Hindi ka nag re-reply sa mga texts ko!" sunod sunod na tanong ni Sheena habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"I'm okay, Sheena." Dumiresto sa kusina at kumuha ng tubig para makainom, nanatili ang mata ko sa boyfriend ni Sheena.

"Bakit siya nandito?" sabay turo sa kaniya, sinadiya kong lakasan ang boses para marinig niya. Sheena's boyfriend just smirked at me. Aligagang palipat lipat ang tingin ni Sheena sa akin at sa kaniyang boyfriend.

"How's, Jackson, Miss Salvador?" sinadiya ko rin ibagsak ang baso sa lamesa, tumawa nang hilaw si Sheena at hinila ako papalapit sa kaniya.

"Ang bigat talaga ng kamay mo, bff."

"Why don't you check on him? He's your friend right?" The moment I laid my eyes on him on the first day I saw him in Jackson's condo a month ago, I really don't like him and I don't like him for Sheena, hindi ko alam kung anong nakita niya sa lalaking 'to at pinatulan niya.

"So you stayed with him all night in his condo?" ang tono ng pananalita hindi ko agad nagustuhan. May halong pang iinsulto.

"Rupert." Sheena called him.

"Ask, Jackson for that." Mabilis akong naglakad papunta sa kuwarto, naramdaman kong sumunod si Sheena sa akin, umakyat ako sa kama at humiga. Nanatili naman siya sa paanan ko.

"Sorry." I said to her.

"I just don't like him. Bakit ba kasi 'yan nandito? Hindi ka naman nagdadala ng lalaki noon ah?" umakyat siya at tumabi sa pagkakahiga ko. Nanatili akong nakapikit.

"Saan ka nga galing? Nag alala kaya ako, hindi ako mapakali kaya pinapunta ko siya rito." I open my eyes, shift my position just to face her.

"Galing ako kay, Jackson kahapon, sinamahan ko siya dahil may sakit. Umuwi rin ako kagabi sa bahay nila Mama at doon natulog." Ngumuso siya at naglalaro ang ngiti sa labi.

"Hindi ka natulog sa condo—"

"Syempre hindi!" she hugged me.

"Akala mo hindi ko napapansin?" ito na naman siya, sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya lang ako. Kailangan ko ng makaligo at pumasok sa shift ko sa fast food dahil absent ako kahapon, naririnig ko na ang pananabon ng manager ko.

"You're so close to him this past few months, hmm. Eh 'di ba ayaw na ayaw mo sa kaniya?" umayos ako ng higa at nakipag titigan sa kisame. I cannot escape Sheena's question, dahil totoo naman.

"He's..."

"Ano?"

"He's been a good friend to me, Sheena." I said quietly. Parang kahit mismo ang bibig ko nahihiyang banggitin iyon.

"Friend? Boring naman." She laughed, napatingin ako sa kaniya.

"Totoo naman, naging mabuting kaibigan siya sa akin."

"Eh bakit napapansin ko na ang blooming mo araw araw? Iba na ang bulaklak na umaapaw sa'yo?" tumawa kami pareho.

"Anong blooming? Ibig mo ba sabihin na ang pangit—"

"No! Hindi ko maipaliwanag pero basta," She slowly messing my bangs.

"You deserve every happiness you are experiencing right now... kung happiness ba ang tawag diyan." she chuckled. I bit my lower lip so that I can stop smiling, I feel the heat of my cheeks.

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon