After my afternoon class, I collected the new orders and payments and immediately went straight to the library, where my thesis mates were waiting for me. I saw Sherman's smile when he saw me. Kumaway sila Nicole at Emily sa akin.
"Sorry, matagal ba kayo naghintay?"
"Hindi naman, sakto lang." nangingiting sambit ni Sherman.
"Fifteen minutes ka lang namin hinintay pero kaya kang hintayin ni, Sherman ng ilang taon." Pang aasar ni Nicole. Agad pumula ang mukha ni Sherman at hinampas ng pabiro ang kaibigan.
"Sana, Nicole ganiyan ang energy mo mamaya kapag nag aayos na tayo ng mga revisions." Inayos ni Emily ang suot niyang salamin habang nagsasalita.
"Puwede ba, Nicole," bumaling sa akin.
"Nagbibiro lang siya, Roseanne."
"Ayos lang, sana'y naman na ako sa kaniya."
"Oh, edi sana'y na pala si, Roseanne!" inakbayan ako ni Nicole at pumasok na kaming apat sa loob ng Library. Agad kaming naghanap ng bakanteng puwesto at may nakita na para sa aming apat na nasa gitna. Nasa harap namin sina Emily at Nicole na tahimik na nagbibiruan at kami naman ni Sherman nasa likod nila, tahimik rin. Narinig ko ang hagikhik ni Nicole kaya napatingin ako sa kaniya, lumingon siya sa akin.
"Si loverboy nandito. Pakilala mo naman kami, Roseanne."
Agad kumalabog ang dibdib ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Nilibot ko ang tingin sa mga estudyanteng nasa harap at agad nagtama ang tingin namin ni Jackson na para bang hinihintay niyang tumingin ako sa kaniya.
Ngayon ko lang ulit siya nakita pagkatapos ng insidente sa bahay. Hindi ko na rin kinompleto ang intrams attendance sa dalawang araw, naging weekends pagkatapos at sa bumalik ulit sa dati ang pasok sa university, sa dalawang araw na balik eskwela, ginawa ko ang lahat para maiwasan siya dahil nahihiya ako kapag nakita ko siya. Nakakahiyang isipin na baka narinig niya ang sigawan sa bahay ng araw na 'yon at... ang pagiging lasing ko sa harap niya.
Hindi ko alam kung paano siya kausapin kapag ganoon.
"Ganoon ba kayo ka-close, Roseanne?" biglang tanong ni Sherman dahilan para lumipat ang tingin ko sa kaniya.
"Huh?"
"Oo, sobrang close na kaya sila. Nakakagulat nga na malaman na hindi pa sila in relationship?" lumingon ulit si Nicole sa amin habang naglalakad pa rin.
"Magkaibigan lang kami." Malamig kong sinabi, sinulyapan ko ulit si Jackson at halos lumabas ang puso ko sa tingin niya kaya iniwas ko tingin sa kaniya. For the first time, I also saw how he could be busy with his academics; a few yellow pads, two laptops, and a few calculators were scattered on their table. May kasama siyang tatlong classmates at kasama na roon si Elena, na katabi niya.
"Talaga ba? May magkaibigan bang—"
"Nicole, tumahimik ka na, nasa library tayo." Emily's bossy voice lingered in me, naging dahilan 'yon para umirap ni Nicole at akbayan na lang ang kaibigan.
Nakarating kami sa bakanteng lamesa, uupo na sana ako sa kabilang upuan para talikuran at hindi matignan si Jackson dahil tatlong lamesa ang layo niya sa amin. Mabilis umupo si Emily doon at tumabi si Nicole sa kaniya. Inayos na nila ang mga gamit na kakailanganin namin. Huminga ako ng malalim at tumabi kay Sherman sa kabila.
Even though he is far away, I can still feel his gaze at me.
"Ikaw muna ang gumamit nito." Nakangiting inabot ni Sherman sa akin ang kaniyang laptop. Kinuha ko iyon.
"Paano ka?"
"Puwede ko naman gamitin 'yan mamaya kapag nasa bahay na."
"Tiyaka kailangan mo rin yan gamitin ngayon, Roseanne. Sa ating apat ikaw ang pinaka mabilis mag-type." Inabot ni Emily sa akin ang iilang yellow pad na naglalaman ng mga correction sa gawa namin. Inabot ko iyon at para bang may sariling kaluluwa ang mga mata ko at tumingin iyon kay Jackson kung saan naabutan kong seryosong nakatingin siya sa katabi ko... kay Sherman.
![](https://img.wattpad.com/cover/349753308-288-k963740.jpg)
BINABASA MO ANG
Thorns
Roman d'amourThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...