Ang mabilis kong paglakad napalitan ng mabagal ng maabutan ko si Sherman na may inaayos sa kaniyang locker. Naabutan niyang nakatingin ako sa kaniya kaya napahinto siya sa ginagawa pero agad din namang tinuloy. Ilang linggo na rin ang nakalipas at halata namang iniiwasan niya ako kaya pinili kong dumiretso sa locker ko para kuhanin ang rubber shoes at huwag ng kausapin pa.
Sa pagbukas ko ng locker, mabilis akong napaatras at napasigaw pero agad kong tinakpan ang bibig. Mabuti na lang ang iilan lang estudyante ang nandito at halatang walang pakialam sa pag sigaw ko pero si Sherman mabilis na pumunta sa puwesto at tiningnan ang loob ng locker ko.
Bumungad sa amin ang tatlong malaking patay na daga, agad kong tinakpan ang bibig at ilong sa nangangamoy na amoy patay na daga sa locker.
Sinong... sino ang naglagay nito?
"Posible namang inakyat ng daga ang locker mo... may naglagay niyan dito sa loob." Siya na mismo ang kumuha ng rubber shoes ko sa loob at mabilis isinarado ang locker. Tinignan ko ang rubber shoes na nangangamoy.
Sino ang naglagay ng patay na daga sa locker ko? At anong ibig sabihin no'n?
"Sino ba ang nakakaalam ng password sa locker mo? Sila lang ang puwedeng maglagay niyan." Inagaw ko sa kaniya ang sapatos at umalis na sa harap niya pero hinawakan niya ako sa braso para mapaharap sa kaniya.
"Roseanne, may naglagay ng patay na daga sa locker mo—"
"Hindi ba iniiwasan mo ako? Bakit mo ako kinakausap?" mabilis niyang binitawan ang braso ko sa gulat.
"Hindi kita iniiwasan. At hindi 'yan ang problema ngayon, may naglagay nang—"
"Alam ko, hindi mo kailangan ulitin at wala akong ideya kung sino man ang naglagay niyan." Tumatango siya.
"Ako may ideya kung sino ang puwedeng maglagay niyan." Umiling ako at umatras para talikuran na siya.
"Sa mga posibleng babae 'yan ni, Jackson, dahil sa pagsama mo sa kaniya... halos ang mga babae rito sa campus galit na sa'yo kaya ginagantihan ka sa mga ganito." Napahinto ako sa paglalakad at mahigpit hinawakan ang rubber shoes.
"Ganoon ka ba kainis sa akin kaya pangalan ng ibang tao dinadamay mo?"
"Hindi ako naiinis sa'yo dahil totoo naman sinasabi ko. Sino pa ba ang puwedeng maglagay niyan? Halata naman na ginagantihan ka ng mga babaeng 'yan kasi ikaw ang kinakasama ni, Jackson ngayon." Lumapit siya sa locker niya at kinuha ang isang pares na rubber shoes, lumapit sa akin at puwersahang kinuha ang rubber shoes sa kamay ko at ipinalit iyong sa kaniya
"Hiramin mo muna, tiyaka muna isuli kapag tapos na ang PE mo. Makakaasa kang hindi ko 'to sasabihin sa iba o i-report man... pero kapag nangyari ulit 'to at ibang bagay pa ang ginawa nila sa'yo, hindi ako magdadalawang isip na i-report 'yang anak ng may ari ng university na 'to." At tinalikuran niya na ako.
"Sherman, walang kasalanan si, Jackson dito—" mabilis lumingon sa akin.
"At talagang pinagtatanggol mo?"
"Patay na daga lang 'yan, pinapalaki mo lang 'yong problema. Kung may problema ka sa akin, dapat sa akin mo binabato hindi sa ibang tao." Mabilis akong naglakad papalayo sa kaniya, kahit gusto kong ihagis ang sapatos at huwag na kuhanin, ako lang din ang mahihirapan dahil kakailanganin ko ito ngayon.
All day I thought about the dead mouse in my locker and who could possibly put it there, especially me and Sheena, who knew my password. Everything that Sherman told me stayed with me too.
"I swear, bff. Hindi ako naglagay no'n. Hindi naman ako siraulo para maglagay ng patay na daga sa locker mo?" sinandal ko ang noo sa tuhod na nakapatong sa kinauupuan ko... sino ba kasi ang naglagay no'n?

BINABASA MO ANG
Thorns
Storie d'amoreThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...