Chapter 2

1 0 0
                                    

Pagkatapos ipakita sa amin ng professor ang subject grade sa midterm agad na nag sialisan ang mga kaklase ko. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko sa desk at lumabas na nang room para pumunta sa student lounge. Kikitain ko roon si Sheena para sa selling na ginagawa namin.

After three months of living in the apartment, taking two part time jobs at pagsabayin sa pag aaral naging maayos naman ang resulta. My parents are able to check on me from time to time, sometimes I ate lunch with my mother's house, sometimes I ate dinner in my father's house. Nakapag adjust naman ako sa ganoong set up.

It's hard, I won't deny it but when I think that after my graduation I will leave immediately for Canada, I only get better at enduring everything

"Friend!" sigaw ni Sheena, agad niya akong inakbayan. Akala ko magkikita kami sa student lounge pero nasa hallway pa lang sinalubong na niya kaagad ako.

"Huwag ka sumigaw." Inaayos ko ang strap sa bag pack na suot.

"E' kasi naman, nasa iisang apartment lang naman tayo nakatira pero halos sa school lang tayo nakakapag usap?"

"Huh?"

"Anong huh ka riyan? Hello? Kapag umuuwi ka late na, kapag pumapasok ka masyadong maaga. Friend, kaya mo pa ba 'yang ginagawa mo?"

"Kailangan ko 'yong pera sa part time, sayang naman kasi."

"Manghingi ka sa parents mo? O' kaya kay tita Ashley mo! Ang yaman kaya no'n?"

May choice naman ako para gamitin yung pera sa bank account ko, nilalagyan yun nila Mama every month. Pero mas kailangan kong mag ipon, kukulangin 'yon kaya pinasok ko na rin ang pag pa-part bilang service crew sa isang fast food chain.

"Mahal kaya ang ticket papuntang Canada, tsaka kailangan ko ng malaking halaga para sa allowance ko doon."

"Huh? Diba sagot na 'yan ng tita Ashley mo?"

Alam ko hindi naman gaano kalaki ang pera sa bank account kaya kailangan ko pa mag trabaho. Gagamitin ko 'yon kapag kinulang yung perang hawak ko. Ongoing na rin yung process ng passport at visa, at babayaran pa 'yon.

Kumunot ang noo ko sa mga iniisip.

Ayoko humingi ng pera kay Tita Ashley, ayoko ng umasa dahil paano ako mabubuhay kung lagi akong nakaasa sa tulong ng iba?

"Kulang pa 'yong naipon ko. Kung bibitawan ko 'yong part time, malaking kawalan naman sa akin 'yon."

"Pwede naman kita pautangin kung gusto mo." Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. Tumawa siya ng dahan dahan at tumango na parang naintindihan niya ang gusto kong sabihin. Malaking tulong na 'yong binigay niya sa akin na sumama sa pagiging reseller niya.

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang student lounge nakasalubong namin ang dalawang matatangkad na lalaki. Alam ko kaagad na sa akin sila nakatingin, naka plaster din sa mga mula nila ang ngisi na hindi ko alam kung para saan.

I know these guys, not their name pero dahil kilalang sports player ang mga ito dito sa University. They are both soccer players by the way and represent the University... and have a lot of fan girls in this school too.

Pero hindi ako kasama sa mga babaeng 'yon.

I blankly stared at them back, pero binangga ako nung isa sa balikat at alam kong hindi 'yon aksidente, sinadiya niya. Tumingin ako sa kaniya.

"Sorry, Miss." Labas sa ilong niyang sinabi, ngumisi lang ito ulit at umalis na.

I don't understand why most of the girls here are so impressed with them. They are rude and arrogant just because they are good in one field and obviously don't have good manners.

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon