Chapter 5

3 0 0
                                    

Binilang ko ang pera at nilagay sa sobre. Dumating si Sheena at umupo sa sofa na sinasandalan ko. Inusog ko sa harap niya ang sobre na naglalaman ng mga bayad na nakuha ko ngayong linggo. I open my laptop and continue to browse.

"Naghahanap ka na agad ng apartment sa Canada?" looking at my laptop screen.

"Yup, para mas mapag ipunan ko na agad hanggang nandito pa ako." Kahit wala pa sa kalahati ang naiipon ko pero kaya naman siguro 'yon kung unti untiin ko lang at ituloy ang pag re reseller ko kay Sheena at sa fast food.

Sheena grabbed my long hair and combed it using her fingers.

"Bigyan din kita ng allowance kapag aalis ka na." Napangiti ako at mabilis na nag click sa apartment na mura at may bathtub.

"Kahit hindi na, ihatid mo na lang sa airport."

"Hmm? Apartment na may bathtub?"

"Gusto ko ng apartment na may bathtub."

When I was younger, I always had this dream that our house would have a bathtub. Sa apartment namin ngayon ni Sheena wala, dahil masyadong mahal ang isang apartment na may bathtub. Maybe having a dream living in an apartment with a bathtub will come true once I go to Canada.

"Kailan pa?"

"Nung bata pa ako."

"Bumili ka na lang kaya ng bathtub dito? Mas mura lang 'yon dito." Nagtatawanan kami sa sinabi niya.

"Kapag nagka luwag luwag na ako, isasama kita sa Canada. What do you think?" lumingon ako sa kaniya. She pouted her lips.

"Sa Canada tayo tapos titira lang din sa iisang apartment. Sounds fun right?"

"Oo, masaya talaga 'yon... pero Canada isn't my dream, 'e." she faced me with her apologetic expression. Tumingin ulit ako sa screen at tinignan lang ang presyo roon.

"You will regret that. Soon maiisip mong gugustuhin mong makasama ako sa Canada."

Wala pa sa kalahati yung ipon ko sa presyo ng apartment na ito. May babayaran ka pa akong ticket at visa.

"Okay na ako rito, maghahanap na lang ako ng lalaki na mayaman at guwapo na kaya akong buhayin at mahalin!" natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi nag eexist 'yon, Sheena. Lalaki na mayaman, guwapo at kayang magmahal?"

"Meron kaya!" kunot noong tumingin sa kaniya.

"Sino? Mga artista sa TV? Mga lalaki sa libro?"

"Si, Jackson Alcantara! Mayaman at guwapo!" pagkarinig ko sa pangalan niya nawala agad ang tuwa sa mukha ko.

Yung libro ko nasa kaniya pa rin, mukhang totohanin niya ngang sa linggo na ibalik. Hinawakan ni Sheena ang mukha ko at pinisil pisil ang pisngi at hindi ko alam kung para saan 'yon.

"Oh? Nasaan na 'yong ngiti na nakita ko kanina? Nawala na agad?"

"Dahil nagbanggit ka ng mga pangalan na hindi dapat binabanggit." Pinakawalan niya ako at tumawa lang siya na parang nang aasar.

"So, what's the score between the two of you? Narinig ko na tinutulungan ka ni, Jackson dalhin 'ang mga bag na naglalaman ng mga products?" tumili siya sabay yugyog sa balikat ko.

I scroll my mouse down on site, maybe even find a cheap apartment with a bathtub.

"Sunod siya ng sunod na parang aso."

"Bibigyan ko na ba ng tip si, Jackson dahil binubuhat niya ang bag? Mabigat din 'yon aba! You know, Roseanne," umupo siya sa gilid ko at tinitignan ako.

ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon