I can't help but look at his broad shoulders. Of course, he's an athlete, which is why his body is so perfect, even behind it.
"Remember the password," he looks at me.
"... Twelve, twenty two."
"Wala akong pakialam sa password mo, ibigay mo na sa akin ang libro."
Binuksan niya ang kaniyang unit at malamig na hangin ang sumalubong sa akin, dahil siguro sa aircon. Bumungad ang pinaghalong kulay na itim at puti ng kaniyang interior design. It's a quite design for man like him owning a condo unit. At ito ang pinaka maganda, sa sidewall ang transparent glass wall kung saan kita ang labas, ang iba't ibang building at ang malawak na nasa taas na nagpapakitang madilim na.
Wow, and I can't help but to admire the view outside.
"Pasok ka, wag ka mahiya." Natatawang sabi niya.
"Soda? Juice? Water? Tea?" dumiretso siya sa kaniyang kitchen corner at binuksan ang fridge.
He has a nice kitchen, malinis at kumpleto ang gamit. Hindi kalayuan sa kabila ang kaniyang sala. Both white and black sheets sa sofa, at naka display ang napakalaking flat screen TV.
Nakakagulat... na sa isang lalaking katulad niya napanatiling maganda at malinis ang kaniyang lugar.
"Or me?" sabay abot ng soft drink. Umiling lang ako.
"Hindi ako magtatagal, kukunin ko lang ang libro."
"Let's hang out for a bit, kaya nga ako umalis doon dahil ayaw mo sa mga ganoon." Dumiretso sa kaniyang sofa at nilinis ang mga papel na nakapatong sa kaniyang coffee table.
"Hindi ako sumama sa'yo rito para mag hang out."
Tinapik ang katabing upuan niya, na para bang hindi narinig ang sinabi ko.
Is he playing dumb? Or something?
Lumapit ako para tingnan ang kaniyang coffee table baka kasi nandoon ang libro pero wala. I scan his whole place pero hindi ko rin makita ang kaniyang bag pack na gamit sa school.
"Ah! Naalala ko, binigay ko na pala sa kaibigan mong si, Sheena?"
Nagkita na sila ni Sheena?
"What?"
He flashed his playful smile.
"Binigay ko na 'ang libro sa kaibigan mo, at kapag nandito na tayong dalawa tiyaka siya pupunta rito."
"Para saan?"
"To hang out? Manuod ng movie?"
Binaon ko ang kuko sa palad, ang iristasyon unti unti kong nararamdaman.
"Hindi 'yan ang sinabi mo kanina."
He chuckled and drank his soft drink.
"Does that matter?"
Ang makasama siya ngayon sa isang private place at kaming dalawa lang delikado. Bakit hindi ko naisip 'yon bago sumama sa kaniya kanina?
Nakalimutan ko ba? 'O sadiyang hinayaan ko?
"Umupo ka muna rito at hintayin natin sila." Mariin niyang sinabi. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Kailangan kong makita ang ang backpack niya kasi nakakasigurado akong nandoon niya nilagay. Because there's no way na binigay niya nga kay Sheena ang libro. Kung nagsinungaling siya kanina, kaya niya rin magsinungaling na naka'y Sheena ang libro.
Napatingin ako sa second floor at kita rito sa baba ang pintuan na nakabukas ang isang kuwarto. Maybe that is his room? Hindi na ako nagdalawang isip na tahakin ang hagdan papunta sa kaniyang kuwarto.
BINABASA MO ANG
Thorns
RomanceThorns tells the story of a woman who had given up on the idea of love. She had seen too much heartache and disappointment in her life to believe that it was real. But one day, unexpectedly, she met someone who changes everything. He challenges her...