( Hi maybe may iba sa inyo na iisipin na copy ko lang ang storyang ito sa isang palabas sa tv. Then hindi po yun totoo kasi nauna ko na po itong naisip na story at makailan lang na publish. Mas nauna pa po utak ko sa totoo lang haha. At iba po ang story na ito. Anyway tatapusin ko po ito as soon as possible . Please support my stories, thanks and love lotsss... )
*************
Ena's POV...
" sure ka naba sa plano mo Ena?" I smiled and nod. I'm pretty sure.
" *sigh* mauuna na ako. Mag-iingat ka" John said.
Inayos ko naman ang buhok ko habang nakaharap sa salamin. Hinayaan ko lang lumugay ang mahaba at maitim kong buhok. Medyo curly din siya.
Papasok na pala ako ngayon sa bago kong eskwelahan. Ang Manila Hillside Acdemy bilang isang Grade-12 student. Nakasuot na din ako ng uniform nila. White long sleeve na may itim na necktie na may logo ng academy na pinarisan ng above-the-knee na skirt na kulay itim din. May linings naman sa ibaba na kulay puti. Simple but cute.
Naka black shoes din ako na may hanggang tuhod na itim na medyas. Ganda talaga. Iwan ko lang ang eskwelahan maganda ba.
Kinuha ko na ang bag ko at agad lumabas ng kwarto ko. Nasa apartment na binili ni mom para sa akin ako ngayon. Malapit lang sa academy kaya maglalakad nalang ako papauwi. May tatlong floor lang tong apartment na to at may di kalakihan na mga kwarto.
It's okay to me naman kasi hindi ako maarte. It's just this place is special for me. Why? Kasi ito ang apartment ni Esa.
I sighed.
Kumuha ako ng fresh milk sa fridge at mayonnaise. Kumuha na din ako ng tinapay na nasa lamesa lang. Katapos ihanda ay agad ko naman itong kinain. Baka ma late pa ako.
Habang nakaupo ay inilibot ko ang paningin sa loob ng apartment ko. Magkadikit lang ang sala at kusina tapos sa bandang kaliwa ay may dalawang pinto which is ang kwarto ko at ang cr.
Pagkapasok ko dito kahapon ng umaga ay walang kahit na gamit. Kundi ang kama at cabinet lang na nasa kwarto ang naiwan. Kaya nagpatulong ako kay Butler John sa pagbili ng mga gagamitin dito at paglinis na din. Kaya halos wala ng pwesto sa loob sa dami ng gamit.
Sabi kasi ni mom dapat kompleto lahat ng gamit dito akala mo naman isang buong bahay ang binili ko. Nagtalo pa kami kahapon kasi bakit daw hindi nalang bahay binili ko, eh ako lang naman mag-isa at kami pala ni John.
Nasa kabilang kwarto dito sa apartment lang naman siya. Sa totoo niyan kasing edad lang din kami mas matanda lang siya ng 5 years haha. Mag 20 pa naman ako, kami ng kambal ko.
Enough for that at baka ma late pa ako.
_____________________
" Good morning Miss-----" bati ng guard ng academy kaso nawala ang malaking ngiti niya ng titigan niya ako. Mukha siyang nakakita ng multo. Eh?
" good morning po. Ako nga po pala si Ena. Newbie po. Pasok na ako ah" bati ko at pumasok na ng gate. Madaming estudyante ang nagkalat.
I look at my watch. It's already 7am .
Isang oras pa bago magsimula ang klase. May oras pa ako para makapag enroll. Naka list na naman name ko kasi tumawag ako sa hotline nila kahapon. May kailangan lang akong fill-upon ngayon bago maging officially student.
Nakasuot pala ako ng sumbrero kaya napapalingon ang ibang estudyante. Siguro nagtataka kung sino ako. Nakayuko lang ako nakatitig sa dinadaanan ko. Baka pag inangat ko ang ulo ko makikilala ako ng iba.
Well hindi naman nila ako kilala, familiar lang talaga mukha ko. Siguro nga sikat yung kamukha ko dito eh. Napailing nalang ako sa iniisip ko.
I knock the door na nasa harapan ko. May nakasulat na ' Principal Office' sa itaas kaya tama ako.
" pasok " rinig kong saad ng nasa loob kaya binuksan ko naman ang pinto para makapasok. Pagkasirado ko dito ay hinubad ko naman ang aking sumbrero bago ngumiti sa taong nakaupo ngayon sa upuan niya.
Tila nagulat naman siya sa nakita. Bat pareha sila ng reaction nung guard? Ha ha
" good morning Mrs. Orge. I'm new here. Ako po yung tumawag kahapon na magpapa enroll. " ngiting saad ko lang . Tila na nahimasmasan naman siya. I'm not a ghost Mrs. Principal.
" o-ohh hi welcome here. Kindly fill-up this form you can go to your respective room."
_____________________________
"Alam niyo ba? May bago daw tayong classmate "
"San mo naman yan narinig?"
"Gaga. Nakalimutan mo atang teacher ang nanay niyan kaya alam niya."
" sana lalaki noh yeee"
" babae ang narinig ko kaya wag kana mag assume "
" new candidate sa lists of i-bully ba? HAHAHA"
" oonga. Namatayan ba naman ng isang i-bu-bully dito hahaha "
Usapan ng mga estudyante sa loob. Nasa harap na ako ng nakasirado na pinto. I guess may surprise na nakahanda sa loob. Hindi muna ako pumasok.
" Miss? Bakit hindi ka pa pumapasok ?" Sambit ng nasa likod ko. Ngumiti naman ako dito at nag bow.
" I'm newbie po, Ena po Ms.??" Napangiti naman siya. I think she's new here.
" well pareha tayong bago dito iha. Ako nga pala ang bagong teacher ng Grade 12-Sunflower. I'm teacher Hannah." Nakangiting pakilala naman niya. She's too kind and pure para maging isa sa mga i-bully ng mga estudyante dito. But what she'd do next ay binabawi ko ang sinasabi kong inosente siya...
Boogsh...
Napahawak nalang ako sa aking bibig sa gulat. She just kicked the door kaya nahulog ang balde na galing sa itaas na may tubig sa loob. She's cool!
Naglakad naman siya sa harap ng mga estudyante na naistatwa sa gulat. Hindi ko din sila masisisi kasi akala nila easy² lang ang bagong teacher. Psh.
" Good morning students. I like your surprise. And I have a surprise too. Miss newbie please come in and introduce yourself. " napakunot naman ang noo ko ng lingunin niya ako na may malawak na ngiti.
Okay? I thought she never knew about me at sa kamukha ko. Then I think I'm not. Napa smirk nalang akobago maglakad sa harap at tinanggal naman ang sumbrero. Ang init ah.
Napasinghap naman ang iba at may napatayo pa. Tama nga ako. Sikat nga si Esa dito. Mas lumawak naman ang aking pagngiti.
" Hello classmates"
__________________________
Love lotsss...
Xia_Lire_24 ♥️
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...