Chapter 16

73 1 0
                                    

Third Person's Pov....

Kahit paika-ika ay pinilit parin niyang makaakyat ng napakataas na hagdan. Nakakailang hakbang pa lang ay natutumba siya bigla dahil sa mga pasa at sugat sa kanyang hita.

Pati ibang parte ng katawan niya ay may pasa. Tanging mukha niya lang ang hindi makikitaan ng pasa at sugat kasi natatabunan ito ng foundation.

Balot na balot ang katawan niya. Naka jogging pants na pinarisan ng black hoodie jacket.

Ng marinig niya ang papalapit na hakbang na nanggagaling sa baba ay pinilit niyang tumakbo pataas. Hindi siya pwedeng maabutan nito.

"Maria~~~" rinig niyang kinakanta nito ang pangalan niya. Pinigilan niya namang humikbi sa takot.

Ng makita na niya ang pinto na papuntang rooftop ay agad siyang tumakbo kahit nahihirapan at binuksan ito. Mabuti nalang at hindi iyon lock kaya agad niya itong nabuksan.

"Siguraduin mong hindi kita mahuhuli, Maria~~"

Pagkalabas niya ay sinariduan niya ang pinto. Hinarngan niya pa ito ng nakita niyang kahoy na upuan. Nadapa naman siya ng pilit niyang tumakbo papalayo sa pinto.

Narinig niya naman ang marahang pagtulak sa pinto kaya pinilit niyang makatayo at pumunta sa pinakadulo sa rooftop.

"Pag nabuksan ko to, sinasabi ko sayo. Makikita mo ang hinahanap mo" galit na ng saad ng tao sa loob.

Napaiyak nalang sa takot at kaba si Maria at nanginig ng matanaw niya kung gaano ka taas ang kinakatayuan niya.

Pag nahulog siya dito ay halatang katapusan na ng buhay niya. Pero napaisip naman siya. Kung ganun, ito na ang nag-iisang paraan para matapos na ang paghihirap niya.

Buhay na puno ng pasakit at mas madumi pa sa basura.

Mapahiyaw naman siya ng biglang marahas na bumukas ang pinto at dun niluwa ang isang lalaki na galit-galit na tumingin sa kanya.

Ito ang taong kinaka muhian niya. Ang taong sumira ng buhay niya. Ang naglapastangan sa pagkatao niya.

"Hello Maria... bakit mo naman ako iniiwasan ha? Hindi mo ba ako namiss? Hahahaha" parang baliw na saad at tawa nito kaya naginig naman siya sa takot.

"W-wag kang lalapit. Kung ayaw mong tumalon ako dito!" Kahit ng hihina ay nilakasan niya loob niyang sigawan ito. Mas tumawa naman ito ng malakas.

"Wag ka namang ganyan sakin Maria. Namiss kaya kita and guess what?? May kasamahan ako" ngiting pahayag nito at tumagilid.

Napaupo naman sa takot si Maria ng makilala niya ang kasamahan ng lalaki na nasa harap niya. Mga kapwa nakangiti ng nakakatakot ang mga ito.

Hindi niya makakalimutan ang mga mukha nito. Silang lahat! Sila ang may kagagawan sa mga pasa at sugat niya.

"Hello Maria... Namiss mo ba kami kaya naisipan mo nalang na tumalon jan? Sige lang walang pipigil sayo, go on Maria" humalakhak naman sila ng tawa kaya may napaiyak naman siya.

"T-tandaan niyo to. B-babalikan ko kayo. Magkita-kita t-tayo sa empyerno!" Huling sabi ni Maria bago hinayaan ang sarili na tangayin ng hangin at nahulog.

"Stupid"

Tinanaw naman nila ang babaeng nasa sahig na sa ibaba. Kita pa rin galing sa rooftop ang nakadilat na mata nito at ang dugo na nakapalibot dito.

Kitang kita na wala na itong buhay pa.

"Isunod niyo na din ang mga dagang nakakita. Mahirap na" seryosong saad noong lalaki na parang leader ng lahat. Tumango naman ang mga ito at dali-daling tumakbo.

________________________________

"Huwag po! Huwag po----urghhh" natahimik naman ang isang lalaki ng malakas siyang hinampas ng tubo sa ulo. Agad naman siyang binuhat ng dalawang may pakana ng paghampas dito.

________________________________

"Mga wala kayong puso! Hindi na normal ang nasa mga utak niyo! Mga demonyo kayo" malakas na hiyaw ng isang may kaedaran na din na babae habang nakatutok ang isang kahoy sa dalawang lalaki na papalapit sa kanya.

"Sabihin niyo sa pinuno niyo na demonyo siya!" Sigaw pa niya ulit ngunit agad din itong natumba ng tumama sa kanyang ulo ang isang malaking bato na nanggagaling sa 2nd floor.

"Pathetic bitch. Ang ingay masyado, psh" saad ng babaeng naghulog ng bato. Napatawa naman ang mga kasamahan niya.

_______________________________

"Ubos naba ang mga dapat maligpit?" Seryosong tanong ng lalaking nakaupo sa swivel chair niya.

"Opo boss. Nalinis na namin ang lahat" tumawa naman ang lalaki sa narinig. Na sa wakas wala ng sisira sa buhay nila.

Yun ang inaakala nila. At hindi nila alam na nagsisimula pa pala ang kalbaryo na napasukan nila.

...

_____________________________

Marami ang nagulat at nagluksa ng sabay sabay na nadiskubre ang mga bangkay sa akademya. Lahat ng ito ay pinalabas na nagpakamatay o na aksidente.

Hindi lang dalawang tao kundi tatlo.

Mga namatay na hindi man lang nakapag sumbong at hinding hindi makakamit ang hustisya.

Habang nakatayo sa harap ng isang puntod ang isang tao. Nakita niyang maraming bulaklak na nakapalibot sa paligid at halatang kakalagay lang.

Agad na pinahid ang isang butil ng luha na kumawala sa kanyang mata. Taksil na luha. She want to cry out loud. Pero para na siyang namanhid sa kakaiyak kanina pa.

Maria Athesa Villareal
☆ November 22, 2002
+ June 17, 2022

Nag-iisa nalang siya ditong nakatayo. Kanina pa nakauwi ang lahat na naghatid sa kanyang huling hantungan kasama ang dalawa pa. Mga estudyante, guro, at kamag-anak nila.

Sabay na linibing ang tatlo kaya marami ang tao na humatid dito sa huling hantungan.

Kawawang Athesa.

Hindi niya man lang naparamdam ang totoong pagmamahal ng isang kapatid. Ang feeling na kompleto na pamilya. Ang mahalin ng mga totoong kaibigan.

Kaya napaisip naman ang babaeng nakatayo ngayon sa harap ng puntod.

She wasn't there when Athesa wanted help.

She wasn't there to comfort her when she's sad.

She wasn't there to wipe her tears when She's crying.

She wasn't there when she wanted to be loved.

She's useless sister to her!

She doesn't deserve those fucking pains for goddess sake.!

She hate herself.

Hindi niya siya naipagtanggol. And she's not there when she died.

" Hi sis. I'm Maria Athena Tan. Your twin. And I'm sorry for not being there when you wanted a shoulder to hold on and cry. I'm a failure. If I know I have a twin. Maybe you not experienced this painful death. And I'm so sorry " nakagat nalang niya ang kanyang labi sa pagpipigil humikbi.

"And I'm ready to take my revenge. Ipaghihiganti kita kambal sa ayaw at sa gusto mo. Kung kailangan ay magpalit tayo at sumamba ako sa demonyo ay gagawin ko. Makuha lang ang hustisya at magandang buhay na pinagkait sayo.

Ang buhay na ninakaw ay kailangan ding mapalitan ng isa pang buhay. Kita-kita nalang tayo sa impyerno"

0_0...

Who Killed My Twin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now