Chapter 8

82 3 1
                                    

John's Pov...

"Ano ba talagang nangyari? Bakit nakatulala lang si Ena?" I asked. Kakatapos lang naming maglinis ng apartment ni Ena.

Linagay namin sa isang cartoon ang mga nabasag na baso. Nalinis na rin namin ang buong sala at kusina.

Kanina pa ako binabagabag ng isipan ko. Hindi ko alam anong nangyayari at panong may maraming basag na baso sa paligid.

Yes, may nasa upuan sa kusina, sa sofa, pati na rin sa mga sulok ng apartment. Just what the hell?

"She's confused. Kagaya natin nagtataka siya kung san galing ang mga yan. And I think she's scared " malalim ang iniisip ni Mark ng sumagot ito.

"Wala namang kakaiba sa lock ng pinto like nasira ng pumasok dito sa bahay. Ang bintana naka lock lang din" I sighed.

"It means may susi ng apartment ni Ena ang pumasok." Tanging usal lang ni Mark.

Pwede yun! At sino naman? Don't tell me yung landlady?

Pero nandito galing kanina yun, si Mang Linda. Pinaalam namin ang nangyari at maski siya ay nagulat at nagtaka.

Kung hindi siya, edi sino?

"Can I check Ena's room?" Agad naman akong tumango dito at sumunod naman ako sa kanya sa pagpasok sa kwarto ni Ena.

Pagkapasok namin ay bumungad agad sa amin ang mabangong kwaryo ni Ena. Malinis at naka arranged ang lahat ng gamit.

Mula sa iilang stuff toys na nakapatong sa maliit na lamesa , bedsheet ng kama , at ang laman ng cabinet niya.

Teka, cabinet...

Nakita kong pumunta sa Mark sa may lamesa kaya lumapit naman ako sa may cabinet.

Napatitig sa sarili sa malaking salamin na nakadikit sa pinto nito. Isa itong antique at ito lang at ang kama ni Ena ang naiwan sa loon ng apartment na to.

Hindi na din pinaalis ni Ena kasi pwede naman daw niya itong magamit. May kalakihan din ito.

"What is that?" Napalingon naman ako kay Mark ng magsalita ito.

Lumapit siya may sahig na inaapakan ko. Hindi ko naman ginalaw ang paa ko. Yumukod siya at may...

Wth!

Tumayo naman siya habang nakatitig sa daliri niyang may mantsya ng dugo. Oo may dugo sa may sahig. Nasa gilid lang siya ng cabinet.

"It's like... may kung anong laman sa loob ng cabinet na may dugong tumutulo" he said at sinubukang buksan ang pinto nito ng hindi ito mabukas.

"It's been locked. Tanging itong isang pinto lang ang nakabukas. Kaya pati si Ena ay hindi alam anong laman niyan kasi walang siyang susi dito" paliwanag ko.

Pagkarating namin dito hindi na talaga yan mabuksan. Kahit si Mang Linda ay walang alam asan ang susi nyan.

Hindi na din namin pinilit buksan kasi baka masira pa at wala na din kaming paki.

"Nilinis naman to ng maayos ng kasamahan ni Mang Linda at nakita ko pa ang pag mop nila sa sahig. At walang kahit anong bakas ng dugo dito." Saad ko pa ulit.

Pwede kayang kay Ena tong dugo? May sugat ba siya?

Tatakbo na sana ako palabas ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ena. Nagulat naman ako na nakatingin sa kanya.

"Para kang nakakita ng multo Kuya"she said at napailing. Napakamot nalang ako sa aking ulo. She looks fine so okay na din yun.

"Who.are.you?!" Nagtaka ko namang tignan si Mark sa matigas niyang tanong bigla kay Ena. Heck? Na amnesia ba siya bigla?

"W-what are you talking about? I'm Maria Athena Tan" tatango na sana ako ng may naalala ako.

"Maria! Hahaha" natatawa kong tawag kay Ena na tumatakbo. Nakita ko naman napatigil siya at nagkasalubong ang kilay na humarap sakin.

"I told you already Kuya to stop calling me Maria! I don't like it!" Naiiyak niyang bulyaw kaya lumapit naman ako sa kanya at yinakap siya para patahanin.

Ayaw na ayaw niyang tawaging maria at mas lalong ayaw niyang sabihin ang full name niya sa lahat ng tao pati sa amin.

Tinitigan ko naman siya ng maigi. Napangisi namana ko.

"Maria" tawag ko sa kanya at ngumiti.

"Yes kuya? Miss me?" Kahit nagtataka ay tumango naman ako kaya malawak siyang napangiti. "Anong ginagawa niyo sa kwarto ko?" Tanong niya samin at umupo sa kama.

Nakasunod lang ang tingin namin ni Mark sa kanya. Nalaupo siya patalikod samin.

"Tinignan lang namin kung may dapat bang linisin" sgaot ko napatango tango naman siya.

"You're not Ena" madiing pahayag ni Mark. Hindi naman ako umimik at nakatitog lang sa babaeng nakatalikod.

Tumawa naman ito ng malakas na malakas na tila nasasayahan sa narinig niya.

"You're very smart as always Mr. Guisona. Hindi na ako magtataka kung nakilala mo ako kaagad." Tawang pahayag niya at hindi man lang lumilingon.

"Where's Ena?" Tanong ko. Oo hindi si Ena ang nasa harap namin ngayon.

"She's right here. Nagpapahinga lang siya kaya ako muna ang nakapaloob sa katawan niya. She's tired kaya pagpahingahin muna natin" at dun na siya tumayo at malawak na nakangiti samin.

Dun ko nakita ang kaibahan nila. Masayahing tao si Ena pero hindi ganyan ka creepy ang ngiti niya.

Don't tell me..

"Lumabas ka sa katawan niya, Thesa" nagulat naman akong napalingon kay Mark.  Thesa? Who's thesa?

"Oh akala ko nakalimutan mo na ako Mr. President. I'm glad at hindi. " nakangiti pa rin niyang saad.

"Sinong thesa?" Nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.

Tumawa naman siya ng malakas bago tumingin sakin.

"I'm Maria Athesa Villareal. Ena's twin sister
Nice to meet you again Mr. John " nanindig naman ang balahibo ko sa narinig.

Nanginginig ang tuhod ko. What did she mean again?

"Nakalimutan mo na ako? Oh how sad. Masaya pa nga tayong namasyal sa mall kahapon kahit saglit lang and now hindi mo na ako makilala" tila nasasaktan niyang saad pero tumawa naman sa huli.

So yung kasama kong namasyal at kumain sa mall ay si Ena at siya? Don't tell me siya na ang kumukontrol sa katawan ni Ena nun?

"What do you want?" Natawa na naman siya s atanong ni Mark. I see, magkakilals sila ni Thesa noon.

"I want justice. And I want them to suffer. I want revenge " matigas niyang sagot kaya mas lalo akong nangilabot.

Tumawa na naman siya ng napakalakas at napunit ang baba niya dahil dun. Nakakatakot ang mukha niya, naliligo siya sa sariling dugo!

Pareha naman kaming nagulat ng katabi ko ng biglang uminit ang paligid. Shit!

Napapaligiran kami ngayon ng apoy ni Mark. Tawa lang ng tawa si Thesa at iwan ko kung nasan na siya. Tanging boses na niya lang ang nag i-eco sa paligid.

Wala na din kami sa loob ng kwarto ni Ena. Where are we?

Lumaki ng lumaki ang apoy hanggang sa napasigaw nalang kami sa... takot... ayoko pang mamatay... ayokong iwan mag-isa si Ena...

Dahan-dahan naman akong napapikit... Ena...

"KUYA JOHN AND MARK!!!! PLEASE WAKE UP!!!"


!

Who Killed My Twin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now